|
ChristianDisciplesChurch A Christian Evangelism and Discipling Ministry |
|||||||
|
|||||||
|
Ang Kabutihan At Katapatan Ng Panginoon Sinulat ni Merla Sarol Isa akong Pilipinang nagtatrabaho bilang isang katulong sa Hongkong. Gusto kong magbahagi sa inyo kung papaano ipinapakita ng Panginoon sa akin ang kanyang kabutihan at katapatan sa aking buhay. Noong Enero 25, 1999, tumawag ang aking kapatid na babae mula sa Pilipinas upang sabihin sa akin na palubha nang palubha ang kalagayan ng aming ama at kailangan nila ng salapi para sa pagpapagamot niya. May sakit ang aking ama sa loob ng sampung taon. Malubha ang kanyang sakit. Una, nagkaroon siya ng isang stroke, pagkatapos sakit sa puso at inpeksiyon sa baga. Pagkatapos ng isang linggo, noong Pebrero 1, tumawag ako sa ang aking kapatid na lalake upang itanong sa kanya kung natanggap nila ang perang ipinadala ko at itanong din tungkol sa kalagayan ng aming ama. Sinabi niya, “Masyado nang mahina si papa, at kapag nagsasalita siya, nahihirapan siya sa kanyang paghinga. Patuloy rin siya sa pagtatanong sa iyo at sa ating kapatid na lalake sa Saudi Arabia.” Ipinapatanong din ng aking kapatid na lalake kung uuwi ako upang kausapin ko ang aming papa. Nag-aalinlangan ako sapagkat ang plano ko ay ang umuwi sa Hulyo 1999 na kapag natapos ko na ang aking kontrata. Pagkatapos naming mag-usap, nananalangin ako sa Diyos upang malaman kung ano ang kailangan kong gawin. Pagkaraan ng isang oras, tumawag si Sis. Elena, isa sa mga nangangasiwa sa simbahang pinupuntahan ko sa Hongkong, ang Grace Church. Sinabi ko sa kanya ang suliranin ko. Naaalala ko na sinabi niyang hihilingin natin ang kalooban ng Panginoon. Kung iyon ang kanyang kalooban, samakatwid, papayagan ako ng aking amo na umalis. Tumawag din si Sis. Lorepe, isang kapatiran sa Grace Church, pagkatapos ng araw na iyon at sinabi ko sa kanya ang aking suliranin. Hiniling ko sa kanya na manalangin. Purihin ang Diyos na nang gabing iyon, pagkatapos ng hapunan, kinausap ko ang aking mga amo tungkol sa aking suliranin. Humingi ako ng pahintulot upang umuwi at dumalaw sa aking pamilya dahil sa kalagayan ng aking ama. Purihin ang Diyos na pumayag sila na umuwi ako. Hiniling ko na bigyan nila ako ng isang linggo lamang. Subalit, sa halip, binigyan nila ako ng dalawang linggo, dahil ang sabi nila, hindi sapat ang isang linggo. Nag-alok sila ng isang tiket na pauwi at pabalik. Sinabi ko sa aking sarili, “Ito talaga ang kalooban ng Diyos!” at “Salamat sa Panginoon!” Pagkaraan ng dalawang oras, sinabihan ako ng aking among babae na magsimula nang magbalut-balot. Sinabi ko sa kanya na maaga pa at maaari kong gawin iyon sa susunod na linggo. Ang kanilang orihinal na panukala na payagan akong umuwi ay mula Pebrero 14 hanggang 28, subalit nagbago ang kanilang isip at sinabi sa akin na mas maganda na umuwi ako nang mas maaga, at sa halip umuwi mula sa 10 at 24. Sa pagbibigay nila ng pahintulot na umuwi ako, naharap ako ngayon sa suliranin na uuwi ako na walang anumang plano. Nakikipagtunggali ako sa aking isip sapagka’t kakaunti lamang ang pera kong naiwan mula sa aking panggastos para sa buwan ng Pebrero. Kaya nang gabing iyon, inisip ko kung ano ang panggastos ko. Kailangan kong bumili ng isang maleta at ilang mga pasalubong na maiuuwi. Kinuwenta ko rin ang pamasahe papunta sa paliparan ng eroplano, pera na kailangan kapag humigit ang bigat ng bagahe ko, at ibang gayong gastusin. Marami akong iniisip hanggang dumating ang araw ng sahod ko noong ika-5. Sinabi ko sa aking panalangin nang gabing iyon, “Panginoon, kung maaari sana patawarin mo ako, ngunit kailangan ko talaga ang salapi sa ngayon. Kung maaari sana, pahintulutan mo ako sa hindi pagbigay ng aking ikapu sa buwang ito, sapagkat talagang kailangan ko ng pera sa buwang ito. Alam ko, Panginoon, na ikaw ay naging mabuti sa akin at sinasagot mo ang lahat ng aking mga panalangin. Marahil naririnig mo rin ang aking panalangin na ito sa panahon na ito.” Pagkatapos ko manalangin, alam kong may-sala ako. Naalala ko ang sinabi sa Malakias 3:10 tungkol sa pagnanakaw sa Diyos. Sigurado ako na inuusig ako ng Banal na Espiritu, sapagkat hindi ako nagkaroon ng sapat na pananampalataya na tutugunan ng Panginoon ang aking pangangailangan. Tila ito isang boses na nagsabi sa akin, “Hinihiling ko lamang ang ika-sampung bahagi ng iyong buwanang sahod at hindi mo maibigay iyon.” Nabalisa ako nang husto. Subalit ipinagkatiwala ko sa Diyos na tulungan ako kahit paano sa aking kahinaan sa pananampalataya, sapagkat sinasabi sa Juan 14:1 “Huwag mabagabag ang inyong puso. Sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya naman kayo sa akin.” Palagi kong naaalala ang siping ito. Sa aking mga panalangin sa mga araw na iyon, pakiramdam ko’y nakikipag-ayos ako sa Panginoon sapagkat nangangailangan ako ng pera. Sa loob ng tatlong gabi, sinabi ko ang lubos na parehong bagay sa aking mga panalangin. Huwebes ng gabi, bago ako matulog, habang nagsasabi ako ng magandang gabi sa aking amo, binigyan ako ng aking among babae ng dalawang kupon sa Park N Shop na nagkakahalaga ng $200 upang bumili ng ilang mga pasalubong sa pag-uwi. Talagang masaya ako at paulit-ulit akong nagpasalamat sa kanya. Nang nakabalik na ako sa aking silid, nanalangin muli ako, “Panginoon, kung maaari sana, patawarin mo ako sa sinabi ko sa iyo. Naitabi ko ang $200 sa araw na ito. Maaari kong ibigay sa iyo ang kalahati ng aking ikapu.” Pagkatapos ko sa panalanging ito, ang kasalanan ay nasa aking puso pa rin. Patuloy ang maliit na tinig na iyon na nagpapaalala pa rin sa akin na ang gagawin ko hindi tama. Ang sumunod na araw ay Biyernes, ang ika-5 ng Pebrero. Ipinaalam sa akin ng aking amo sa umaga pa lang na hindi sila maghahapunan sa bahay. Bumalik sila galing trabaho nang alas siete ng gabi upang sunduin ang aking alaga. Bago sila umalis, sinabihan ako ng aking among lalake muli na magsimula nang magbalut-balot ng aking mga gamit. Ipinaalala niya sa akin na sinabihan nilang mag-asawa na gawin ko ito nang maaga, limang araw ang nakakalipas. Sa wakas, inamin ko na hindi ako nakakapagbalot pa ng aking mga gamit sa kasalukuyan dahil kailangan kong bumili ng isang maleta sa susunod na linggo. Pagkatapos, sinabi ng amo ko na maaari silang tumulong sa pagbili ng maleta nang gabing iyon. Sinabi ko na mas maganda iyon at nagpasalamat ako sa kanya. Nagbigay ako ng pera sa kanya sapagkat ibinigay na nila sa akin ang aking sahod. Nagsabi rin ako sa kanya na tinawagan ko na ang aking kapitbahay, isang nagmamaneho ng taxi, upang ihatid ako gamit ang kanyang sasakyan sa paliparan sa halagang $200. Tinanong ko sa kanya, “Mura iyon, tama?” Sinabi niya, “Huwag kang mag-alala, Merla. Ipunin mo ang iyong $200. Kilala mo ang lalaking nagtatrabaho sa amin sa tindahan? Maihahatid ka niya nang libre sa paliparan!” Talagang masaya ako! Alam ninyo kung bakit? Nakaipon na ako ng $400! Sinabi ng aking amo na huwag ko na silang hintayin sapagkat gagabihin sila sa pag-uwi. Sinabi ko na, “Ayos lang!” Pagkaraan nilang umalis, pumunta ako sa aking silid upang manalangin tulad nang karaniwan. Sinabi ko, “Panginoon, nagsisisi ako. Kung maaari sana, patawarin mo ako sa kung ano ang iniisip kong gawin. Sa Linggong darating, ibibigay ko sa iyo ang buong ikapu mo.” Pagkatapos ng aking panalangin, hindi ako makatulog sapagkat inaabangan ko kung anong nabili nila para sa akin. Naghintay ako hanggang dumating sila. At sa pagdating nila, bumababa ako agad. Nakita ko agad ang maletang ibinili nila para sa akin. Sabi ng amo kong lalaki, “Ito ang bagahe. Maganda ba?” Sabi ko, “Oo! Maraming salamat sa pagbili sa akin ng ganitong bagahe. Nagustuhan ko.” Pagkaraan ng isang saglit, ang sabi ko, “Palagay ko, hindi ito sapat sa aking gamit.” At kaya, nag-alok siyang ibili ako ng isa pa. Sagot ko, “Hindi na kailangan. Ayos na ito. Anuman ang kakasya sa maletang ito, iyon na lahat ng dadalhin ko.” Pagkatapos niyon, nag-usap sila. At saka sinabi sa akin ng aking among lalaki, “Merla, heto ang iyong pera.” Nakita kong iyon pa rin ang halaga. Nagtanong ako bakit hindi niya binawasan ang halaga ng maleta. Sinabi niya sa akin at ng asawa niyang babae na gusto nilang ibigay sa akin ito bilang regalo. Sabi ko, “Talaga?!” Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman nang sandaling iyon; patuloy ko lamang sinasabi, “Maraming salamat!” Hindi ko maisip na ang gayong bagay ay mangyayari. Tinugunan talaga ng Diyos ang lahat ng kailangan ko. Patuloy akong humihingi ng kapatawaran sa Panginoon dahil sa kagustuhan kong huwag ibigay ang ikapu sa kanya dahil nagkulang ang pananampalataya ko, kahit na iniisip ko na nagtiwala ako sa kanya para sa aking mga pangangailangan. Sa kabaliktaran, ipinakita niya ang kagandahan ng kanyang kabutihan. Nagpapasalamat ako sa kanya sa lahat ng pagtutustos niya at para rin sa aking amo na ginamit niya para makita ko ang kanyang pag-ibig at kabutihan. Nagbalik-tanaw ako at nakita ko na ang dumating na pagsubok na iyon ay mula sa itaas. Natanto kong madalas, talagang nakakaakit ang tukso. Gayunman, kung tayo ay talagang mananalig at aasa sa Panginoon ng Pag-asa, kung gayon, hahanap ang Diyos ng paraan. Purihin ang Diyos na napagtagumpayan ko ang pagsubok na ito! |
Difficult in reading?
Tagalog Series: - Minsa'y Ako'y Ligaw, Ngayo'y Natagpuan Na - Anong Grasya! - Ang Pagsunod sa Kordero ng Diyos - Ang Kabutihan At Katapatan Ng Panginoon - Ang Kahalagahan ng Pagdurusa - Masasayang Kasaysayan Mula sa Libis ng Lilim ng Kamatayan
|
|||||
|
Copyright 1998-2007. All
Materials in this site are copyrighted unless otherwise stated. Best
viewed with IE6.0 and 1024 by 768 resolution. |
|||||||