CDC Home | Feedback  | updated on 28 May 2008

A Christian Evangelism and Discipling Ministry

CDC Home

 | About Us

 | Hotlinks

 | Bookstore

 | Write to Us

Oasis

Sermons - Text

Sermons - Audio


Higher Ground

Devotionals

Missions

Testimonies


Trainings

Commitment

Basic

Intermediate

Doctrinal & Exegetical

Full-Time Ministry


Draw Near

Worship in Songs


Others

Audio Cassettes

Books Ministry

- Chinese

- English

Music & Film Ministry


Languages


Tagalog

 


Subcribe to CDC Feed subscribe feed

Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 2 - "Langit"
(The Lord's Prayer - 2 - "Heaven")

Mateo 6:9, Mensahe ni Pastor Eric Chang

Sama-sama nating pag-aaralan ang Mateo 6:9 sa katuruan ng Panginoon na karaniwang tinatawag na "Ang Panalangin ng Panginoon." Noong nakaraang okasyon, ang ating pinag-aralan ay ang tungkol sa "Ama Namin" at kung ano ang kahulungan nito: na ang Diyos ay tinatawag na "Ama." Ngayon naman ay ating sama-samang pag-aaralan ang katuruan ng Panginoon tungkol sa langit. Ano ang langit? Nasaan ang langit? Paano ba natin iisipin ang tungkol sa langit? Ano ang buong kahulungan ng langit sa Bagong Tipan? Isa itong aspeto sa katuruan ng Panginoon na lubhang mahalaga. Wala tayong babasahin na sipi rito dahil alam na nating mabuti ang Panalangin ng Panginoon: "Ama namin na nasa langit ka".š

Ano ang Kaisipan [Concept] Natin ng Langit?
Kailangan nating tanungin ang katanungang ito: Nasaan ang langit? Nasaan sa palagay ninyo ang langit? Ano ang kaisipan ninyo tungkol sa langit? Kapag binabasa o kinakanta ninyo ang mga Cristianong himno, nagsasabi sila ng mga di-gaanong malilinaw na bagay tungkol sa "ang kabilang dako ng asul" [beyond the blue], kung saan ang asul ay nangangahulungang ang 'himpapawid' [sky]. Ang himpapawid, halos sa lahat ng dako ng mundo, ay kulay asul, maliban sa England, sa kung saan ito'y normal na kulay abó. Ito'y karaniwang asul, ngunit sa England, ito'y kulay-abó.

"Sa kabilang dako ng asul!" Pinipilit ninyo ang inyong mga matang tumingin sa direksiyon ng kulay asul at nagbabakasakali na kung makakukuha kayo ng binoculars [isang kagamitan sa pagtingin sa malalayong bagay o lugar], na kahit paano'y makikita ninyo ang "kabilang dako ng asul." Inyong iisipin, "Ang sayá siguro ng mga taong ang trabaho ay astronomiya, na gamit ang malalaki at makapangyayarihang binoculars na ito! Kaya't kung makikita ninyo ang "kabilang dako ng kulay asul," [maaari ninyong masulyapan ang langit]. Ngunit nasaan ang "kabilang dako ng kulay asul"?

May mga awitin pa ngang nagsasabing "mas malayo pa..." o "lampas pa sa kabilang dako ng kulay asul" [way beyond the blue]. Lagi na lamang palayô nang palayô ito! Sa bandang hulí, magtataka kayo kung paano pa kayo makararating sa langit at kung paano pa kaya Niya, kung ang Diyos ay ganoong kalayň, maririnig ang inyong panalangin, dahil ang "mas malayo pa sa kabilang dako ng asul" ay maaaring isang pagkalayu-layong distansya. Ang lahat ng ito ngayo'y lubhang malabň o dí-tiyak.

Ang panganib ng ganitong uri ng mga sabi-sabi tungkol sa langit ay ang kararatnang pag-iisip na ang langit ay pawang napapalayň nang napapalayň sa atin. Dahil sa ang Diyos ay nasa langit - "mas malayo pa sa kabilang dako ng asul" - kung gayon, ang Diyos ay lubháng malayň. At kung Siya'y ganoong kalayň, marahil ay hindi na natin kailangang abalahing masyado ang ating mga sarili sa Kanya (ipagpalagay na nating Siya'y lubhang abalá sa atin), dahil napakalayň naman Niya. Marahil ay nakatanáw Siya sa sanlibutang ito na gamit ang makapangyarihang binoculars.

Ang ganitong kaisipan ukol sa langit, inyong makikita, ay nagdadala ng lahat ng uri ng mga panganib. Kailangan nating tanungin: Ito ba ang uri ng katuruan na nanggagaling sa Biblia? Ito ba'y pang-Bibliang katuruan? Kaya, sisiyasatin natin ito sa Salita ng Diyos. Nagsiyasat ako sa buong Salita ng Diyos at palagi kong natátantuhan ang ilang kapansin-pansing bagay tungkol sa Salita ng Diyos: na ang mga kuro-kuro ng tao - saanman ito nanggagaling; marahil sa sariling imahinasiyon ng tao - ay lumilihís sa Salita ng Diyos. Ibig sabihin, napakalayň ng kinalaman nito sa katuruan sa Salita ng Diyos.

May kaisipang tulad nito ang mga Hudyó [Jews]. Katitingin ko lamang kahapon sa mga katuruan ng mga Hudyó tungkol sa bagay na ito at naaliw ako nang makita ko ang sinabi ng isa sa mga gurň [rabbi] nila. Hindi ko maisip kung paano niya natuntunan ang kanyang mga sinasabi. Sayang at wala siya rito upang matanong natin. Ang sabi niya ay ito: "Mula sa lupa hanggang sa himpapawid sa itaás ay isang paglalakbay ng 500 taón. Ang kapál ng himpapawid na ito ay 500-taóng paglalakbay. Pagkatapos nito, may pitóng langit sa ibabaw niyon, na ang bawat isa'y 500-taóng paglalakbay rin."

Wow! Sa oras na marating ninyo ang tuktok ng pinakatuktok na langit, sa aking kalkulasyon, gugugulin ninyo ang higit sa 3,500 na taon. Sa anong paraan ng paglalakbay ang nakalaan sa 500 taóng ito, wala akong paraang malaman. Ang ibig ba niyang sabihin ay paglalakad ng 500 taón, o pagsakay sa isang kabayo, o paglalayag sa isang barko? Anumán ito, hindi ko mahulaan. Ngunit nagbigay ang mga gurong Hudyó ng ganitong uri ng kuru-kurň kung kaya't ang langit ay isang napakalayong lugar. At ayon sa kanila, mayroong pitóng langit. Saan nila nakuha iyon, hindi ko rin alam. May pitóng langit - at may 500 taóng pagitan ang bawat isa. Para itong isang cake na patong-patong, isang angel cake, o anumang layer cake. Ang ganitong uri ng kuru-kurň ay tiyak na magdadala ng lahat ng uri ng seryosong panganib; higit sa lahat, ang konsepto na ang Diyos ay lubhang napakalayň.

Mga Problema at Panganib ng Malíng Konsepto ng Langit
Kung iisipin natin ang ganitong uri ng malíng katuruan tungkol sa langit, kung ang langit ay nasa "kabilang dako ng asul", saanman naroon iyon, kung ganoon ay malayung-malayo rin sa atin si Jesus. Napakalayň Niya sa atin dahil nakaupo Siya sa kanang kamay ng Ama. Ang Kanyang Ama ay nasa langit at ang langit ay malayung-malayň. Ang Diyos ay naroon sa malayň at si Jesus ay naroon din. Ibig sabihin, malayung-malayň si Jesus!

Kaya't hindi nakapagtataka na kapag sinusubukan ninyong manalangin, nakararamdam kayo ng di-kasiguraduhang maririnig Niya ito. Nagtataka kayo kung naririnig Niya kayo. Ang panalangin ninyo ay nandito sa ibabâ, samantalang Siya'y nasa itaas - malayung-malayo! Maliban na lang kung mayroon siyang super-electronic na kagamitan upang mapakikinggan Niya ang mahihina ninyong bulóng, paano nga kaya maaabot ang higit sa 3,500-taóng distansyang ito?

At dahil si Jesus ay napakalayň at ang Diyos ay napakalayň, ang panalangin ay nagiging halos walang kabuluhan. Para itong nagpapadalá ng panalangin sa pamamagitan ng isang kuwitis [rocket] at umaasa na ang kuwitis ay magiging makapangyarihan upang maabot ang napakalawak na distansya hanggang sa ika-pitong langit na ito, ayon sa sinasabi ng mga Hudyó. Hindi saanman nabanggit ng Biblia ang ika-pitóng langit. Kung kaya't kahit na anumang 'langit' - dahil kahit ang unang langit ay parang pawang napakalayň - [mabuti naman] kung maipapadala ninyo ang inyong mga panalangin sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kuwitis. Ngunit dahil wala kayong mga makapangyarihang kuwitis, sa espirituwal na pag-uusap, kung ganoon, magtataka kayo kung makararating ba roon ang inyong mga panalangin. Kaya't sa paksa ng panalangin, kayo ay nagagapí ng isang pakiramdam ng walang-kabuluhanan. Nagtataka kayo kung pinakikinggan nga ba ng Diyos ang ating mga panalangin.

Nagbibigay rin sa atin ng seryosong Biblikal na mga problema ito. Kung ang langit, ayon sa kaisipan at katuruang pang-tao ay tulad nito, ano ang gagawin ninyo sa mga Kasulatang iyon? Halimbawa, sa Gawa Kapitulo 7, sinasabi doon na tumingala si Esteban sa langit at nakita niyang bumukas ang mga langit at si Jesus ay nakatayó sa kanang kamay ng Ama. Wow! Maaaring may di-karaniwang mga mata si Esteban! Wow, isipin ninyo na lang ito! Ang mga mata niya'y nakakikita ng may isang milyong milya ang layň.

Ngayon, kung kayo ay nakatayo sa may 20 milyang layň, kahit na may napakagaling kayong salamin, may duda ako kung makikita ko pa kayo sa 20 milyang layň. Hindi rin ako sigurado kung makikita ko kayo kahit na 10 milya lang ang layň. At si Jesus ay higit sa 3,500-taóng paglalakbay ang layň! Anong uri ng mga mata ang kailangan ninyo upang makita si Jesus sa itaas? O ito ba'y, kahit na paano, nangangahulugang sa pamamagitan ng mirakulo si Jesus ay nápalaki ng milyung-milyon at bilyun-bilyong beses upang makita Siya ni Esteban?

Tingnan! Ang araw, ang sabi sa atin, ay mas malaki sa mundo ng isang milyon o anumang beses. Kung ang napakalaking araw sa himpapawid ay mukhang kasinglakí lamang ng isang futbol - at iyon ay hindi pa "sa kabilang dako ng asúl"; ito'y nasa loob pa ng papawiring ito; ito'y nasa loob pa ng sistemang pangplanetang ito, ibig sabihin, hindi man lang ito kasing-layň ng Milky Way sa anumang kaparaanan; ang Milky Way ay milyun-milyong milya pa ang layň - kung ang araw ay ganoon kaliít, papaano ninyo pang makikita si Jesus sa kabilang dako ng araw, sa kabilang dako ng mga bituin? O, tulad ng sinabi ko, pinalalaki ba kung ganoon si Jesus para sa atin? Ang isang napakalaking problema sa ganitong uri ng pag-iisip ay ito'y nagdádala ng lahat ng uri ng mga kahirapan at mga kalituhan kapag pinag-aaralan ninyo ang Salita ng Diyos.

Minsa'y nagpunta ang isang astronot ng Soviet Union doon at sinabi niyang, "Pumunta ako sa langit ngunit hindi ko nakita ang Diyos!" Sasabihin ninyong, "Isang hangál na katanungan! Ang Diyos ay hindi isang tao roon sa itaas para makita mo." Pero ang punto niya'y ito: "Ang kasabihan ay ang Diyos ay nasa langit. Pumunta ako roon sa langit at hindi ko Siya nakita." Ngayo'y sasabihin ninyong, "Katawá-tawá ito!" Hindi ito basta katawá-tawá dahil kung minsan, ang mga Cristiano ang mga nagbibigay ng malíng palagay sa mga di-Cristiano. Sinabi ninyong Siya'y nasa itaas, sa langit, kaya't pumunta sila roon para tingnan at hindi nila Siya makita.

Ngayo'y baka sabihin ninyong, "Pero, mahal kong kaibigan, hindi ka pa pumunta ng sapat na kalayuan. Maglakbay ka pa nang ilan pang bilyong milya roon at makikita mo ang Diyos". Pero, sa katayuang ito, hindi kailanman siya mananalo dahil kapag naglakbay siya ng isang bilyong milya, sasabihin ninyong, "Hindi! Hindi mo pa nararating ang ika-pitóng langit. Kailangan mo pang pumunta nang mas malayo pa." Sa ganitong paraan, hinding-hindi siya kailanman magwawagi sa paligsahan laban sa inyo. Pero, hindi ako sigurado na bibilib siya sa mga sasabahin ninyo sa kanya tungkol sa Diyos.

Ngayon, ang lahat ng ito, papaano masusukat kapag itinabi sa katuruan ng Biblia? May isa pang problema. Kapag sinabi ninyong ang langit ay nasa itaas doon - saan doon sa itaas? [Ang mensaheng ito ay ginanap sa Canada.] Kung sinabi ninyong, "Sa itaas dito," ang taong Australiano na nakatayo sa kabilang panig ng mundo ay nakaturo sa kasalungat na direksiyon. Tama nga naman ito, 'di ba? Kailangang pag-isipang mabuti kung saang lugar nga ba naroon ang langit. Ibig kong sabihin, lubhang makatarungan ito. At sa mga bagay na ito kinukutya ng mga di-Cristiano ang mga Cristiano, "Sabi ninyo ang langit ay naroon sa itaas? Saan sa itaas?" Mapapansin ninyong sa dalawang magkasalungat na direksiyon kayo nakaturň.

Pagdesisyunan ninyo kung nasaan ang langit. Mayroon ba kayong isang tiyak na direksiyon? Dahil, kapag ang lahat ay sa itaas ang turň, saan kung ganoon ang langit? Sasabihin ba ninyong ang langit ay isang lugar na labás o bukód sa sansinukob [universe] na ito? O nakapalibot ba ito sa sansinukob? Anong uri ng paliwanag o theory ang inyong babanggitin ngayon para lutasin ang problemang ito?

Kaya, nakikita ninyong kailangan nating makarating sa isang tiyak at ayon-sa-Bibliang pag-unawa sa langit dahil sa mga espirituwal na panganib, ang panganib ng pagbibigay ng mga malíng kaisipan sa mga di-Cristiano. Sa pagtatalakay ng tungkol sa "na nasa langit," ang mga Intsik ay may 'shang', na nangangahulungang doon sa itaas. Ang salitang Ingles ay walang 'shang', iyong 'itaás.' Kaya't kung ito'y naroon sa itaas, saáng itaás?

Hindi Isang Pook Ang Langit - Ito'y Isang Espirituwal na Pamumuhay!
Kapag tinignan natin ang katuruan ayon sa Kasulatan, ano ang makikita natin? Ang Diyos ba kung gayon ay nasa isang uri ng langit na matatagpuan sa isang lugar? Ang langit ba'y isang lugar na mailalagay sa isang mapa ng sansinukob? Ano kaya ang inyong kasagutan sa mga katanungang ito? Nasaan ang kamalian? Nasaan ang malí sa kaisipang pang-taň?

Ang kamalian ng kaisipang pang-taň, tulad nang kadalasang kamaliang pang-taň - at ang Biblia, sa kaganapan [perfection] nito bilang 'Salita ng Diyos', ay di-kailanman nahuhulog sa ganoong pagkakamalí - ay ang isiping ang langit ay isang lugar na may-parteng materyal, isang lugar na maituturň sa isang mapa. Kung ang isang lugar ay materyal, maaaari ninyo itong mahanap sa isang mapa. Ngunit ang malí ng kaisipang pang-Cristiano ay ang isipin na ang langit ay materyal, o kalahati'y materyal, o bahagya'y materyal, o, kung nais ninyo, isang uri ng nahaluang materyal.

Ngayon, kung kayo'y nag-iisip nang tulad nito, kung gayo'y nakikita ninyo ang kamalian ng inyong pag-iisip, na matapos masuri ang lahat, ang pag-iisip ninyo ay malayo pa rin sa pagiging espirituwal. Ang langit, sa katuruan ayon sa Kasulatan, ay hindi isang lugar. Hindi ito isang materyal na posisyon na mahahanap ninyo sa isang mapa sa sansinukob. Kung hindi ito isang lugar, ano ito kung gayon? Ang katuruan ayon sa Biblia ay ito: Ang langit ay isang kalagayan ng buhay. Ito'y hindi isang lugar; ito'y isang kalagayan ng buhay. Ito'y isang pamamaraan, isang uri ng pamumuhay - isang uri ng espirituwal na pamumuhay. Ito'y hindi isang lugar na mahahanap sa isang mapa kundi ito'y isang lubusang kákaiba at espirituwal na paraan ng pamumuhay.

Samakatuwid, lahat ng sinasabing paglalakbay nang may-kahabaang distansya o kasabihang "kapag ikaw ay namatay, pupunta ka sa langit" ay nagpapalagay na mayroon kayong uri ng 'rocket ship' na magdadala sa inyo taun-taon [dahil sinusukat ang distansya ng paglalakbay sa 'space' sa pamamagitan ng 'light years'] sa walang-katapusang 'light years', hanggang sa marating ninyo ang langit. Iyon ay hindi man lang katuruan ayon sa Kasulatan. Wala tayong napakahabang paglalakbay patungo sa langit. Wala!

Ang langit, ayon sa katuruan sa Biblia, ay isang lubos na kakaibang uri ng espirituwal na pamumuhay. Iyon ay dapat na malinaw ninyong maunawaan. Huwag na huwag, kapag dumarating kayo sa kaisipan ayon sa Biblia, muli ninyong iisipin na ang langit ay isang uri ng materyal na pamumuhay, o may hawig-materyal na pamumuhay, o may-halong materyal na pamumuhay.

Kaya't kung alam na natin ang katuruan ayon sa Biblia, hindi na natin gagawin ang ganitong uri ng pagkakamali, tulad ng ginawa ng mga Hudyó, at tulad din ng ginagawa ng mga Cristiano, na sinusubukang sukatin ang distansya patungo sa langit, o pinag-iisipan kung saang direksyon ito, o kung gaano kalayň ito. Ang lahat ng ito'y walang kabuluhan. Walang sinasabi ang Kasulatan tungkol sa distansya patungo sa langit at kung anong direksyon patungo dito. Ang sinasabi ng Kasulatan ay ang langit ay isang uri ng espirituwal na pamumuhay.

Ang Espirituwal na Langit - Ang Espirituwal na 'Nasa Itaas'
Maaari ninyong sabihin na, "Nabasa ko sa Biblia na si Jesus ay umakyat paitaas" at parang ipinahihiwatig niyon na ang langit ay matatagpuan sa kung saang paitaas, 'di ba, at pawang nagsasabi ukol sa pagiging nasa itaas ng langit. Sa Kasulatan, kailangan ninyong makita ang pagkakaiba ng dalawang bagay: kung ang tinutukoy ay ang literal at pisikal na langit o kung tinutukoy ang espirituwal na langit. Ngunit kapag binabanggit ng Biblia ang 'itaas', kapag maingat ninyong pinag-aaralan ang Kasulatan, agad-agad ninyong matatanto na ang 'itaas' na tinutukoy ng Kasulatan ay ang tungkol sa espirituwal na 'itaas', hindi ang pisikal na 'itaas'. Kinakailangan nating maingat na makita ang kaibahán nito.

Isang halimbawa nito'y malinaw na malinaw nating makikita sa katuruan ng Panginoon. Si Jesus ay mula sa itaas. Ano ang ibig sabihin niyon? Ibig sabihin, mula sa espirituwal na buhay na iyon, sa espirituwal na pamumuhay na iyon, na higit na mataas kaysa sa pisikal na pamumuhay. Sinabi Niya ito nang napakalinaw sa Juan 3:31, upang ipakita sa inyo na hindi Niya tinutukoy ang pisikal na pagka-'itaas', kundi ang espirituwal na pagka-'itaas'. Hayaan ninyong basahin ko ang bersikulong ito sa inyo: "Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat". ["He who comes from above is above all." NASB˛] Napansin ninyo ba ito? Siya'y sumasaibabaw ng lahat. Hindi Siya pisikal-na-sumasaibabaw ng lahat; Siya ngayo'y nasa lupa nang Siya'y bumabâ rito sa lupa. Ngunit siyempre, ang tinutukoy Niya'y espirituwal. "Siya na nanggaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat" - espirituwal na sumasaibabaw ng lahat.

Siyempre, wala nang iba pang paraan ang pagtukoy Niya tungkol dito. Siya na mula sa lupŕ [earth] ay pag-aari ng lupŕ, at tungkol sa lupŕ ang sinasabi niya. Siya na mula sa langit ay sumasaibabaw ng lahat. Umaasa ako na malinaw ninyong napapansin ito, na ang buóng punto sa pagbabanggit ng langit bilang nasa sa itaas ay nangangahulungang itinuturo sa atin ang espirituwal na katotohanan na ang langit ay higit na espirituwal na nakatataas kaysa sa lupŕ, dahil ang 'itaas' ay laging nagpapakita ng higit na kahusayan. Dito, ginamit ng Panginoong Jesus mismo ito upang ipakita ang kahulugan ng 'itaas'.

Ang lahat ng ito ay muling napakalinaw na ipinakikita ni Pablo, halimbawa, sa 1 Corinto Kapitulo 15. Sa siping ito sa 1 Corinto 15:42ss, ang sinasabi ni Pablo rito'y tungkol sa darating na buhay, tungkol sa matatawag na 'langit'. Narito ang sinabi ni Pablo:

Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na may kasiraan; binubuhay na maguli na walang kasiraan; Itinatanim na may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan (Pansinin muli ang 'binubuhay' - ito'y paitaas.): Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman. Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay. Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu. Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit. Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit. At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit. Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.

Ngayon, upang maiwasan ang pagpunta sa isang mahabang pagpapaliwanag, hayaan ninyong ipakita ko na lamang sa inyo kung paano ipinag-iiba ni Pablo ang langit at ang lupŕ. Kung mayroon kayong 2 hanay, maaari ninyong gamitin ang siping ito para punuin ang 2 magkaibang hanay: ang isang hanay ay pinamumunuang 'Langit'; at ang kabilang hanay naman ay pinamumunuang 'Lupa'.

Kung ganoon, makikita ninyo na makalilista kayo ng maraming bagay: isa roon ay 'pagkasiphayo' [dishonor], na ang kabila ay 'kaluwalhatian' [honor]; ang isa'y sa 'kahinaan' [weakness], ang kabila'y sa 'kapangyarihan' [power]. Maaari ninyong ipagsama ang 'kapangyarihan', 'karangalan', 'kaluwalhatian' sa hanay ng 'Langit'; 'kahinaan', 'pagkasiphayo', 'may kasiraan' lahat sa hanay ng 'Lupa'. Tapos, matatagpuan ninyo na sa isang panig ginamit niya ang salitang 'espirituwal' [sa katumbas sa Ingles na Biblia] bilang pagtukoy sa langit, 'pisikal' [sa Ingles] bilang pagtukoy sa lupŕ. Pagkatapos, ang 'taong mula sa langit' at 'taong mula sa lupŕ' muli ay pinagsalungat. At ang 'may kasiraan' at 'walang kasiraan' ay pinagsalungat.

Kaya't kapag tiningnan ninyo ang bawat bersikulo isa-isa, maililista ninyo sila sa 2 panig, na magbibigay sa inyo ng buong kahulugan ng langit sa isang panig at ang buong kahulugan ng lupŕ sa kabilang panig. Kapag pinag-aralan ninyo ang Biblia sa ganitong paraan, makikita ninyo na ito'y hindi isang mahirap-na-maunawaang mga parirala, kundi may maliwanag na kahulugan ang lumalabas mula sa lahat ng ito.

Kaya kailangan nating maunawaan na nang mabuti, na sa katuruan ayon sa Kasulatan, ang langit ay espirituwal, at ang anumang espirituwal ay hindi masusukat sa pamamagitan ng distansya. Hindi ito maituturň kung pag-uusapan ang direksyon. Ngayon, kung ang isang bagay ay espirituwal, paano ninyo susukatin kung ito'y may habang 21-pulgada o 500-taóng paglalakbay ang layň? Sa oras na sinabi ninyo iyon, agad-agad ninyong ipinakikita na iniisip ninyong materyal ang langit. Ang mga bagay-bagay espirituwal ay hindi maaaring sukatin sa ganitong paraan.

Alalahanin ninyo rin na lahat ng materyal ay mawawasak. Sinabi sa 2 Pedro 3:12-13 na: "...ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw... at matutunaw sa matinding init." Ang kalangitan ay matutunaw. Iyon ang katuruan ayon sa Biblia. Sasabihin ninyong, "Ay! Ano ang gagawin ko kapag nakarating na ako sa langit?" Hindi tinutukoy ng Biblia rito ang tungkol sa langit. Ang tinutukoy rito sa 2 Pedro 3:12-13 ay ang pisikal na kalangitan. Kahit na ang pisikal na kalangitan ay wawasakin, kung kaya't sinasabi sa atin na magkakaroon ng isang bagong langit at isang bagong lupŕ. Kaya, mga kapatiran, huwag sana tayong mahantong sa maling pag-iisip na ang langit ay materyal, dahil ipakikita lamang nito kung gaano tayo makalamán.

Ang Diyos ay Espiritu at Sinasamba Natin Siya sa Espiritu at Katotohanan
Ang katuruang ito ay mas lalo pang nilinaw sa atin sa katuruan ng Panginoon sa Juan 4:21, 23 at 24 sa Kanyang pakikipag-usap sa babaeng Samaritana. Maaalala ninyo na sinabi ng babaeng Samaritana, "Sinasamba namin ang Diyos sa bundok na ito at sinasamba ninyo ang Diyos sa bundok na iyon." At sinabi naman ni Jesus, "Hindi natin sasambahin ang Diyos sa alinmang lugar. Sasambahin natin ang Diyos sa espiritu at katotohanan." Ano ang itinuturo ni Jesus sa babaeng Samaritana? Ang kaisipan niya ay tulad sa kaisipan ng maraming Cristiano: ang isipin ang Diyos sa may pagkapisikal na pamaraan, na matatagpuan ninyo ang Diyos sa lugar na ito, na sasambahin natin ang Diyos sa lugar na ito, at ito ang banal na lugar.

Sa panahon ngayon, kapag pumunta kayo sa Israel, makakikita pa rin kayo ng maraming banal na lugar. Ang lugar na ito'y banal. Ang lugar na iyon ay banal. Nang ako'y nasa Israel, sa Jerusalem, pinakitaan ako ng isang lugar at ang sabi sa akin ay ito raw ang Itaas na Silid [Upper Room], kung saan biniyak ni Jesus ang tinapay, nang kasama Siya ng Kanyang mga disipulo. Hindi ako isang dakilang arkitekto, pero sa aking palagay, sapat na ang kaalaman ko tungkol sa mga gusalě upang masabi na ang gusaling iyon ay wala pang 2,000 taon. Magugulat pa ako kung ito'y may 500 taon na. Pero iyon ang sinasabi sa mga turista oras-oras, "Tingnan ninyo, narito ang silid kung saan biniyak ni Jesus ang tinapay. At ito naman ang pook kung saan Siya tumira" at kung anu-ano pa. Kung kaya, ang mga lugar na ito'y naging banal. Ipinalalagay na ang presensya ng Diyos ay naroon.

Ngayon, kailangan nating maunawaan kung bakit sinabi ng babae na: "Sinasamba namin ang Diyos sa bundok na ito at sinasamba ninyo ang Diyos sa Jerusalem." At sinabi ni Jesus, "Hindi gayon. Sinasabi Ko sa iyo na darating ang araw na hindi na natin sasambahin ang Diyos kahit sa bundok na ito o sa Jerusalem man. Hindi natin sasambahin ang Diyos sa anumang tiyak na 'lugar'. Uunawain natin na ang Diyos ay espirituwal, dahil ang Diyos ay Espiritu at atin Siyang sasambahin sa espiritu at sa katotohanan. At naghahanap ang Diyos ng mga taong sasamba sa Kanya sa ganitong paraan."

Ito'y nagpapakita na ang panalangin ay pagsamba. At kung nais ninyong maghandog ng katanggap-tanggap na pagsamba, dapat ninyo Siyang sambahin sa espiritu - sa espiritu - at sa katotohanan. Kung ang inyong pagsamba ay hindi espirituwal, hindi ito magiging katanggap-tanggap. Ito'y magiging pamahiin. Ang pamahiin ay paniniwala na konektado sa isang nakalilitong pamamaraan na may kalakip na mga kuru-kurong malí at makalupŕ o materyal, at hindi gusto ng Kasulatan na tayo'y makihalubilo sa pamahiin.

Kaya, ating kuning halimbawa ang mga bagay-bagay na nag-umpisang magkaroon ng espesyal na kabanalan. Nasabi sa atin na maaari tayong magsuot ng isang espesyal na anting-anting. Iyon ang katangian ng pamahiin: inilalagay sa isang materyal na bagay ang espirituwal na kapangyarihan at sinasabing mayroon itong espirituwal na kapangyarihan, kung kaya't kapag isinuot ninyo ang anting-anting na ito, walang makakasakit sa inyo, at iba pang sabi-sabing gaya nito. Iyon ang katangian ng pamahiin. At kapag inumpisahan din nating ituro na ang lugar na ito ay higit na banal kaysa ibang lugar, [sa gayo'y naging mapamahiin na tayo]. Kung ang pakahulugan natin nito ay espirituwal, sa isang espirituwal na paraan, na ito'y banal para sa akin - hindi ang lugar ang banal, kundi ito'y banal para sa akin - dahil nakatagpo ko ang Diyos sa lugar na ito, ibang kahulugan na iyon. Nangangahulugan iyong ito'y nagbabalik ng mga alaala sa akin. Ngunit kapag sinabi natin na ang mismong lugar na iyon ay banal, kung gayon tayo ay nagiging mapamahiin.

Kaya, ating nakikita na dapat na ganap nating maunawaan ang Salita ng Diyos. Siyempre, hindi ko sinasabi na ang presensya ng Diyos ay hindi nagpapakita sa alinmang natatanging lugar. Kapag ang Diyos ay tunay na nagpakita sa isang natatanging lugar, na pawang ginagawa Niya, kung gayon, ang lugar na iyon ay banal dahil sa Kanyang presensya. Ngunit kapag nawala na ang Kanyang presensya, siyempre ang lugar na ito'y hindi na banal. Ito'y banal lamang sa panahong naroon Siya. Iyon ang dahilan kung bakit ang templo ay itinuring na banal, at tama naman ito, dahil ang presensya ng Diyos ay naroon. Ngunit, ang Bundok ng Zion ay hindi higit na banal kaysa sa ibang lugar kung wala na roon ang presensya ng Diyos. Kaya, hindi na tayo dapat magpatuloy mag-isip sa mapamahiing mga gawing ito, at dahil, sa nakita na natin, ang marka ng lahat ng pamahiin ay ang katunayang nililito nito ang materyal at ang espirituwal.

Sobrang kalituhan mayroon sa mga utak at kaisipan ng mga Cristiano, at ito'y nakasasagabal sa ating pagsamba. Dapat nating sambahin ang Diyos sa espiritu at katotohanan, ngunit tayo'y napaalipin sa mga pamahiin. Sa oras na maunawaan natin ang mga bagay na ito, simula nating makikita na hindi tayo itinuturo ni Jesus sa isang bagong lugar na pagsasambahan, tulad ng sinasabi Niya sa babaeng Samaritana, kundi sa isang bagong pamaraan ng pagsamba. Ito'y dapat nating malinaw na maunawaan. At ang pamaraan ng pagsambang ito'y isang paraan kung paano tayo espirituwal na makapapasok sa pakikisama [fellowship] at pagsamba sa Diyos.

Ang Diyos ay Malapit, Dahil ang Espirituwal at ang Materyal ay Maaaring Magsinglawak [Co-Extensive]
May isa pang panganib at kailangan nating harapin ang kabilang aspeto, at iyon ay ang kuru-kuro na kung ang langit ay naroon sa itaas - at nakita na natin ang kamalian niyon - kung gayon ang Diyos ay napakalayo. Ngunit kapag naunawaan natin na ang langit ay isang espirituwal na pamaraan ng buhay, agad-agad nagbabago ang lahat ng pagkaunawa natin sa Diyos. Ano ang nagbabago? Nauunawaan natin na ang langit ay hindi malayň. Ang langit, sa pagiging espiritu nito, ay maaaring magsinglawak ng materyal na sanlibutan, at nangangahulugan iyon na ito'y napakalapit.

Halimbawa, tayo'y may espiritu at may katawan. Pero ang espiritu ay magsinglawak ng katawan. Hindi ko masusukat ang lakí ng aking espiritu. Maaaring ako'y ganito o ganoong katangkad, pero iyon ay hindi ang habŕ o lapad ng aking espiritu. Kaya, ang espiritu ay 'magsinglawak' [co-extensive] dahil hindi ito materyal. Ang mga materyal ay hindi maaaring maging magsinglawak ng isa't isa sa magkatulad na paraan. Ngunit ngayon, maaari nating matanto na hindi natin kailangang isipin na ang langit ay napakalayň. Hindi ito kailanman itinuturo ng Biblia sa atin. Sinasabi sa atin ng Biblia na ang langit ay malapit. Kung hindi, magkakaroon uli tayo ng isang magkasalungat na pagkakaunawa. Anong pagkasalungat?

Nasabi sa atin, sa isang bandá, na ang Diyos ay napakalayo, at sa sumunod na pagkakataon, sinabi sa atin na ang Diyos ay napakalapit. At tayo'y lubos na nalilito. Paano kaya nangyari na ang Diyos ay malayo at malapit? Una, sinabi ninyo sa akin na Siya'y higit sa 3,500-taóng paglalakbay ang layň, at ngayon, sinabi ninyo na naririto ang Diyos. Kung kaya, tayo'y muling mayroong magkasalungat na pahayag, na gustung-gustong tawagin ng mga nag-aaral ng Teolohiya na kabalintunaan [paradox]. Isang nakaaaliw na salita itong kabalintunaan. Lahat ng bagay na pasalungat o pawang magkabaligtad ay tinutukoy bilang kabalintunaan. Sa katunayan, siyempre, ito'y isang paglapastangan sa salitang 'kabalintunaan'.

Kaya, matatagpuan natin, halimbawa, na sinabi ni Pablo sa Gawa 17:28 na: sa Diyos, "tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao." Paanong ang Diyos ay maaaring napakalayň at malapit pa rin? Paano natin ipagtutugma-tugma ang lahat ng mga ito? Ito'y nakasaklaw [covered by] sa pahayag na ang Diyos ay 'nasa-lahat-ng-dako' [omnipresent], at ito'y higit na nasasaklaw ng 2 mga aspeto pa: na ang Diyos ay nangingibabaw [transcendent] at Siya'y nasa-lahat-ng-dako-ng-sandaigdig [immanent {or present throughout the universe}]. Ang mga salitang ito'y maaaring walang kabuluhan sa inyo. Ang nangingibabaw [transcendent] ay ang aspeto na nagsasabi na ang Diyos ay malayo at 'wala rito' at nasa-kabilang-ibayo [far and away and beyond], at ang 'nasa-lahat-ng-dako-ng-sandaigdig' [immanent] ay nangangahulugang ang Diyos ay malapit. Kaya, ang Diyos ay kapwa malayň at malapit. At iyon ay nangangahulungang ang Diyos ay nasa-lahat-ng-dako [omnipresent].

Ngayon, kung ang pag-uusapan ay sa Kasulatan, ang Diyos ay ganap na nasa lahat ng lugar, kahit na gaano pa kalawak ang sandaigdig. Ngunit, ang pinag-uusapan natin ay ang tungkol sa langit. Kailangan nating maunawaan na hindi itinuturo ng Kasulatan ang langit sa alinmang natatanging direksyon. Sa oras na maunawaan natin ito, na ang langit, sa pagiging espirituwal nito, ay magsinglawak [co-extensive] at maaaring madaling magsinglawak ng pisikal na sandaigdig, kung gayon, ating mauunawaan na ang Diyos ay laging malapit. Ito'y isa lamang naiibang pamamaraan ng buhay, tulad na lamang na ang aking katawan at ang aking espiritu ay magsinglawak.

Ibig sabihin nito, kung makakaya kong lampasan ang pisikal ngayon, agad-agad mapapasalangit na ako. Hindi ko na kinakailangang maglakbay pa ng anumang distansya. Nauunawaan ninyo ba iyon? Nakikita ba ninyo ang katuruan ayon sa Kasulatan? Ibig sabihin, ang Diyos ay naririto mismo sa lahat ng oras, na ang langit ay nasa kabilang panig lang ng pisikal na pamumuhay. Nakikita ninyo ba kung ano ang pagkakaibang magagawa niyon sa buong espirituwal na buhay ninyo, na hindi kayo naglalakbay nang malalawak at malalayong distansya, na ang Diyos ay malapit na malapit, na kapag ako'y bumulong, maririnig Niya ako agad?

Nasasabi sa akin na ang lahat ng ito'y mas madali na nating nauunawaan sa mga panahong ito sa pamamagitan ng 'high-energy physics' [ang agham na may kaugnayan sa malakas na enerhiya]. Maraming beses, sa aking pakikipag-usap sa aking mga kaibigang mga dalubhasa sa 'physics', tinatanong ko sila, "Papaano ba iyong sinasabi ng Panginoong Jesus na maaaring makadaan ang mga tao sa isang pisikal na pader? Nakakulong sa isang kuwarto ang mga disipulo, nakasarang mahigpit ang mga pinto, at si Jesus ay pumasok sa pader? At napakalapit Niya, nakatayo sa gitna nila!" Nahirapang maunawaan ito ng maraming tao. At sinabi sa akin ng aking mga kaibigan na 'physicists' na ito'y napakadaling maunawaan. Ito'y isang katanungan lamang ng 'frequency'! Kapag napalitan ang frequency ng isang tao, siya'y makadaraan sa isang pader.

Alam ng 'nuclear physicist' na, sa katunayan, ang mga materyal na bagay ay pawang puno ng puwang [all empty space]. Ang mga ito'y hindi ang mga bagay na nakikita nating 'solid' kundi, ang sabi sa atin, ang lahat nito ay pawang puno ng puwang. At kung mapapalitan ninyo ang 'frequency' ng isang materyal na bagay, makadaraan ito sa isa pang bagay. Kaya, ang pinag-uusapan lang ay ang kaibahan ng 'frequency'. Kung gayon, nakatutulong ito nang malaki sa atin upang maunawaan ang mga bagay-bagay espirituwal. Ipinakikita sa atin na ang ating mga kaibigang physicists ay may lamáng sa atin dito.

Kung ganoon, matatanto nating mas madalí nating nauunawaan kung paano maaaring magsinglawak ang espirituwal at ang pisikal. Iyon ay isa lamang naiibang pamamaraan ng buhay. Hindi [nila] kailangang magka-ibang lugar. Ang pamamaraan ng buhay na ito ay maaaring lubhá at di-maisalarawan-sa-isip na pagkakáiba. Isalarawan sa inyong isip: kung ang isang physicist ay may paraan na baguhin ang inyong frequency at kayo'y bigla na lang makadaraan sa mga pader, lumilitaw at nawawala, wow! Iyon ay isang bagong uri ng pamumuhay, sigurado, kahit na ito'y isang pagpapalit lang ng frequency.

Ngayon, isipin ninyo na lang iyon! Palitan ninyo ang frequency nang konti pa at papasok na kayo sa espirituwal na pamumuhay. At pagkatapos ay tunay na ninyong uumpisang maunawaan na mayroong isang kataka-taka at kamanghá-mangháng uri ng pamumuhay, na hindi na kailangang maglakbay sa anumang malayong lugar sa pamamagitan ng anumanang espirituwal na rocket ship or anumang bagay gaya nito. Kung kaya, nakikita natin ang kamanghá-mangháng turň ni Jesus, na kahit paano'y kinailangan natin ang '20th century physics' upang mag-umpisang maunawaan ang kamanghá-mangháng lalim at katotohanan ng mga katuruan Niya.

Kaya, mula sa lahat ng mga bagay na ito, matatanto natin na ang Diyos ay napakalapit. Kapag sinabi na ang Diyos ay nasa langit, hindi Siya malayň. Ang Diyos ay napakalapit, kasing-lapit ng espiritu sa katawan. Mas malapit pa Siya kaysa sa ating sariling hininga. Iyan ang sinasabi ni Pablo sa Gawa 17:28: "...sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao".

Nakaaakit Ba sa Atin ang Langit?
May isa pang bagay na kailangan nating itanong ngayong naunawaan na natin ang mga bagay na ito. Nakaaakit ba ang langit sa atin? Kapag pinag-aralan ninyo ang Biblia, matatagpuan ninyo ang isa pang bagay na kákaibá. Mapapansin ninyong hindi kailanman nailarawan doon ang langit sa pisikal na kaanyuan nito. Hindi tayo nasabihan, halimbawa, na ang langit ay tulad ng lugar na 'South Pacific', kung saan may mga punong palmera na kumakaway sa hangin, at may mga dalampasigan [beaches] na may magandang buhangin, kung saan maaari kayong mahigá upang magpaaraw. Kataka-taka! Saanma'y walang sinabi sa atin ang anumang bagay tulad nito. Walang pagtukoy sa langit ng ganitong uri ng pagsasalarawan ang nagaganap para sa atin.

Paminsan-minsan sa aklat ng Pahayag, sinasabi sa atin ang tungkol sa mga nilaláng [beings] sa langit, kung anong uri ng mga nilaláng ang naroroon. Pero hindi nabanggit sa atin kailanman kung ano ang itsura ng langit, kung ano ang mayroon sa langit, kung ano ang mga kasangkapang ginagamit sa langit, kung ano ang tanawin doon. Ipinahihiwatig niyon muli ang napakalawak na pagkakaiba ng Biblia sa espirituwal na kalalaliman nito, sa kaisipang pantao.

Kapag tiningnan ninyo ang Koran, tiningnan ang Islam, matatagpuan ninyo na ang langit ay kadalasa'y inilalarawan bilang isang panlupang paraiso, kung saan naroon ang mga bagay mismong binanggit ko: mga punong palmera, marahang umaagos na mga sapa, naggagandahang mga babae, at mga bagay na tulad nito. Iyon ang langit. Mayroon kayong malalaking prutas mula sa isang uri ng punň ng palmera na mangunguya at mayroon kayo ng lahat ng pagkain na nais ninyong kainin.

Hmm, hindi ako sigurado na nakaaakit sa akin ang ganoong uri ng langit. Maaaring mas nakaaakit pa sa akin ang South Pacific kaysa rito. At kung iyon lang ang matatagpuan sa langit, mas nanaisin kong bumili na lang ng isang bahay sa South Pacific. Magtratrabaho na lang akong mabuti nang ilang taon at bibili ako ng bahay para sa sarili ko, dahil pawang walang pagkakaiba ang langit sa South Pacific, o saanmang lugar. Maaari ninyong kamtamin na lang ang isang magandang lugar na maiisip ninyo.

Ang Biblia ay hindi nauuwi sa ganoong uri ng pagkakamali na kinahahantungan ng Islam at iba pa. Walang paglalarawan ng langit sa mga ganoong pamamaraan. Bakit mismo ito ganoon? Ito'y mismong dahil hindi kailanman gumagawa ang Biblia ng pagkakamaling ilarawan ang langit bilang isang materyal na lugar. Kaya, wala kailanman ng larawan ng tanawin ng langit. Wala saanman sa Biblia ninyo makikita ito. Hindi ba pambihira ito? Hindi ba pumasok sa isip ninyong, "Kung ako'y pupunta sa langit, mas mabuti kung sasabihin mo sa akin kung ano ang itsura ng langit. Gusto kong malaman kung ano ang mayroon doon; anong uri ng magandang lugar ito"? Ngunit mabibigo kayo sa inyong paghahanap sa Biblia sa anumang tulad nito. Bakit? Bakit kaya ganoon? Una sa lahat, ito'y dahil sa nakita na natin, ang langit ay espirituwal, at kapag ito'y espirituwal, hindi ninyo mailalarawan ito sa pamamagitan ng mga punong palmera at umaagos na tubig at magagandang babae at tulad pa nito.

Ngunit pangalawa, ang langit ay walang halaga kung wala ang Diyos. Para sa akin, ang langit ay hindi kaakit-akit kung wala roon ang Diyos. Ang buong kaakitan ng langit ay ang Diyos. Siya ang buong kamanghaan, ang sentro ng langit. Sa katunayan, sa Biblia, ang langit kung minsan ay isa lamang 'allonym', ibig sabihin, ibang pangalan para sa Diyos. Halimbawa, sa Talinhaga ng Mapagwaldas na Anak, ano ang sabi ng mapagwaldas na anak sa Lukas Kapitulo 15? Sabi niya, "Ama, ako'y nagkasalŕ laban sa langit." Paano kayong magkakasalŕ laban sa langit? Ang ibig niyang sabihin siyempre ay: "Nagkasala ako laban sa Diyos."

Ang Diyos ang pinakabuong sentro at kahulugan ng langit. Siya ang buong kaakitan ng langit. Kung wala kayong pakialam tungkol sa Diyos, wala kayong pakialam tungkol sa langit. Hindi ninyo magugustuhang masyado ang langit. Kahit pa mayroon ng lahat ng mga kamanghá-mangháng atraksyon: na kapag mayroon na kayong bagong katawan ay makadaraan na kayo sa mga pader, na maaaring kayong kumain o hindi kumain ayon sa nais ninyo - iyon ay marahil na nakaaaliw na buhay - ngunit ang Diyos pa rin ang sentro ng atraksyon. Kaya, makikita natin na maliban na lang kung mahal ninyo ang Diyos, wala kayong pakialam tungkol sa langit. Kaya, ang atraksyon ng langit ay simpleng nasa katauhan ng Diyos. At habang lalong nagiging kaakit-akit ang Diyos, lalong nagiging kaakit-akit ang langit. Muli, ito'y isang bagay na makikita sa katuruan ayon sa Kasulatan.

Tingnan ang halimbawang ito: Kapag sinabi ko sa inyo na ang Norway ay isang magandang lugar na may mga kamanghá-mangháng fjords [makikitid na daluyan ng tubig-dagat na pinaliligiran ng matataas na bangin], mga nagbabagong tanawin - oh, ito'y kagilá-gilalás! Magkakainteres kayo ng konti sa Norway. Pero sa isip ninyo'y napakalayň nito. Hindi pa 3,500-taóng paglalakbay papunta sa Norway, pero napakalayň na nito. Hindi ako sigurado kung sulit sa pagod ang pagpunta roon. Ngunit antayin ninyo ang isang araw na may lubusan kayong minahal na lumipat sa Norway, wow! Ang Norway ay naging kaakit-akit na ngayon. Gusto ninyo nang makarating sa Norway. Kahit na anong halaga, kailangan ninyong makarating sa Norway. Bigla na lang ngayon naging kaakit-akit ang Norway.

Gayon din ang langit. Maaari ninyong sabihin sa akin na ang langit ay nakalulugod, napakaganda. Wala itong kabuluhan para sa akin. Hindi ako sigurado kung sulit sa pagod ko ang pagpunta roon. Ngunit kung bigla na lang may Isa kayong minamahal - tulad ni Jesus, at Siya'y nasa langit - kaakit-akit ngayon ito. Gusto ninyo nang makarating doon ngayon.

At ito ang dahilan na hindi ninyo saanman o kahit minsang makikita sa Bagong Tipan, o sa Lumang Tipan man, ang pahayag na kapag namatay kayo, pupunta kayo sa langit. Natanto ninyo ba iyon? Hinihiling ko sa inyong magsiyasat ng isang bersikulo sa buong Biblia na nagsasabing, "Kapag namatay kayo, pupunta kayo sa langit." Binibigyan ko kayo ng 2 o 3 linggo upang hanapin ito sa Kasulatan. Gamitin ninyo ang inyong 'concordance' [isang aklat kung saan inilista ang bawat salitang ginamit sa Biblia at kung saan matatagpuan ang mga ito]. Tingnan ang bawat reperensya at ipakita ninyo sa akin kahit na isang reperensya kung saan sa Biblia sinasabing, "Inaasam-asam ko ang pagpunta sa langit kapag ako'y namatay" o anumang hawig doon, kahit na gaanong kalayň. Sabihin ninyo sa akin ang isang bersikulo; gusto kong tingnan ito. Alam ninyo ba kung bakit? Ang naka-aakit ay hindi kailanman ang lugar o uri ng pamumuhay. Ito'y laging isang Minamahal!

Iyon ang dahilan kung bakit si Pablo, halimbawa, ay nagsabing, "Para sa akin, ang makasama ni Cristo ay higit na mabuti." Sa Filipos 1:23, sinasabi niya na para sa kanya, ang "umalis at suma kay Cristo... ay lalong mabuti". Bakit hindi niya sinabing, "Para sa akin, ang pumunta sa langit ay lalong mabuti"? Hindi niya sinabi kahit anong tulad nito. Ang sinabi niya ay ang "suma kay Cristo...ay lalong mabuti." Muli, sa 2 Corinto 5:8 sinabi niya, "ibig pa nga namin ang mawala sa katawan at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon." Wala siyang binanggit kahit isang salita tungkol sa langit. Kamanghá-manghá ito, 'di ba? Iyon ang dahilan kung bakit, muli, [kailangang] unawain ang buong katuruan ayon sa Kasulatan, upang alam ninyo rin kung saan kayo pupunta, kung ang nasa isip ninyo lang ay isang lugar.

Papaano Natin Mamamana ang Langit?
Kahuli-hulihan, atin ding tanungin: Papaano ko mamamana ang langit? Mamana ang langit? Maipapakita ninyo ba sa akin ang isang bersikulong nagsasabi ng tungkol sa "mamana ang langit"? Mamana ang buhay na walang hanggan, oo. Pansinin din na ang buhay na walang hanggan at ang langit ay magkaparehong bagay. Ito'y isang bagong uri ng pamumuhay, isang bagong pamamaraan ng buhay. Ang buhay na walang hanggan ang ating mamanahin. Hindi natin mamanahin ang langit, kundi ang kaharian ng Diyos na, muli, ay ang buhay na walang hanggan. Ngayon, papaano ko mamamana ang buhay na walang hanggan? Iyon din ang katanungang kailangan nating tanungin.

Ngayon, dapat nating tanungin: Papaano natin mamamana ang langit? Una, sinasabi sa atin sa Kasulatan na hindi natin makakamtan kapwa ang mundong ito at ang susunod, ang isa pa, ang espirituwal na mundo. Hindi natin makakamtan kapwa ang kayamanan [mammon] at ang Diyos. Kailangan nating pumili sa dalawa. Mahirap na pagpipilě iyon, 'di ba? Ang kasabihan sa Ingles ay: "Ang isang ibon sa kamay ay higit na mabuti kaysa sa dalawa sa talahiban." At kung ang langit ay napakalayň, mas mabuting piliin na lang natin itong [mundong ito]. Alin sa dalawa ang inyong pipiliin? Iyon ay isang mahirap na pagpipilě. Hindi ninyo puwedeng makamtan ang buhay na ito at ang buhay na darating - pareho! Hindi ninyo makukuha pareho ang dalawang ito. Tayo'y nahaharap sa isang mahirap at mahalagang pagpipilě.

Ngayon, kung kayo'y tulad ni Demas na ating nakita, halimbawa, sa 2 Timoteo 4:10 na "iniibig niya ang sanglibutang ito" - na kahit na siya'y isang Cristiano, inibig niya ang sanlibutan at iniwan ang Diyos - maaari ninyo ring piliin iyon. Pero hindi ninyo maaaring parehong ibigin ang sanlibutan at kamtamin ang Diyos. Makikita ninyo na hindi ganito ang nangyayari. Kailangan ninyong pumilě.

Pero bakit natin kinakailangang piliin ng langit, ang espirituwal na buhay? Ito'y dahil kung marunong [wise] kayo, matatanto ninyong ang buhay na ito'y lumilipas, na ang buhay na ito'y pansamantala lamang. Mauunawaan ninyo [mula] sa pinag-usapan nating listahan sa 1 Corinto Kapitulo 15, na kapag natapos ninyong tingnan ang listahang iyon, at kung kayo ay may karunungan [wisdom], malalaman ninyo kung aling panig ang inyong pipiliin. Ang sandaigdig ay lumilipas!

Bakit kinakailangan nating piliin ang una o ang pangalawa? Bakit hindi maaaring makamtan silang dalawa? Ito'y dahil sa kung ano ang iniibig ninyo, naroroon ang inyong puso. Ang inyong buong pamamaraan ng buhay ay pamámahalaán ng kung ano ang iniibig ninyo. At ang pamamaraan ng buhay ninyo'y kailangan nang mag-umpisa ngayon. Ang langit ay mag-uumpisa na ngayon. Ito'y isang bagay na kailangan ninyong mamana na ngayon. Ang buhay na walang hanggan ay isang bagay na makukuha na natin ngayon, hindi lang kapag tayo'y namatay. Iyon ang katuruan ayon sa Kasulatan.

Isa sa dalawa lamang ang mangyayari: magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan ngayon o hindi na kayo magkakaroon nito. Kayo'y magiging mga anak ng langit ngayon - ito ang sinabi sa 1 Corinto 15:48, na tayo'y "taga langit", hindi "tayo'y magiging taga-langit"; pansinin ang mga salitang iyon: "ngunit tayo na taga langit" - o hindi kayo kailanman makararating sa langit. Kailangan ninyo nang pumili ngayon. Iyon ay isang bagay na kailangan ninyong pagdesisyunan. Ngunit ang desisyong iyon ay hindi naman gaanong kahirap kung ating mauunawaan na ang mundong ito, ang sanlibutang ito, ay lumilipas na.

Ngayo'y may sasabihin akong isang bagay sa inyo. Kapag kayo ay nag-umpisang magkasakit na tulad ko, bigla ninyo na lang mauunawaan kung gaano kadaling lumipas ang buhay. Matindi ninyong matatanto ito na hindi ninyo pa nakikita dati-rati. Bigla ninyong matatanto na ang pisikal na buhay na ito ay mabilisang lumilipas. Sa isa o dalawang beses na seryoso akong inatake ng problemang ito, bigla ko na lang naunawaan na ako'y isang hininga na lamang ang pagitan tungo sa kamatayan. Isang hininga lamang ang pagkakaiba ng buhay at kamatayan. Kapag hindi kayo nakahinga, kayo ay yayaon na! Ganoon tayo kalapit sa kamatayan dito sa buhay nating ito. Ang buhay ay lumilipas! At kung kakapit kayo sa buhay na ito, tulad ng ginagawa ng marami, makikita ninyo ang kahalagahan ng buhay na ito pero pinalalaki ninyo ang kahalagahan nito, kung gayon, mabubuhay kayo para sa sanlibutang ito at hindi para sa langit. Hindi kayo magiging isang anak ng langit.

Pangalawa, nakita natin sa 1 Corinto Kapitulo 15 na sinabi rin ni Pablo ito sa bersikulo 50 - unawain ang mga bagay na ito - "ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng (langit)". "O, pero," ang sabi ninyo, "tayo'y laman at dugo. Paano natin, kung gayon, mamamana ang kaharian ng langit?" May iisang paraan lamang: sa pamamagitan ng pagkapanganak na muli. Iyon ang sinabi ng Panginoong Jesus sa Juan 3:6, "Ang ipinanganak ng laman ay laman nga". Tayo'y ipinanganak ng laman, kaya't tayo'y laman nga. Ngunit patuloy Niyang sinabi na, "ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga." Iyon ang kung papaano tayo matatawag na mga anak ng langit ngayon, dahil sa tayo'y ipinanganak ng Espiritu. Sa gayon, tayo ay espiritu rin. Ang laman at dugo'y hindi makapagmamana ng langit; hindi sila makapagmamana ng ganoong paraan ng buhay. Pero ang espiritu ay maaari! At dahil ako'y ipinanganak ng Espiritu, ako'y espiritu nga. Dahil ako'y espiritu, maaari kong manahin ang kaharian ng Diyos. Ang ganoong pag-unawa at ang pangangatuwiran nito'y napakalinaw at madaling maunawaan.

Langit Ay Mararanasan Kung Kalooban ng Diyos ay Nagaganap
Ngayon, isang huling punto at tayo'y magtatapos na. Sinabi sa atin sa Panalangin ng Panginoon na: "Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa." Hindi natin siyempre pag-aaralan iyon ngayon, pero may sinasabi ito sa atin tungkol sa langit, 'di ba? Sinasabi nito sa atin na ang kalooban ng Diyos ay ganap na ginagawa sa langit. At ang panalanging iyon ay: "Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa." Ang langit, kung gayon, ay isang lugar ng ganap na kaligayahan, ng ganap na kasiyahan, ng ganap na kagalakan! Sa anong kadahilanan? Sa dahilang ito: na ang kalooban ng Diyos ay ganap na ginagawa sa langit.

Hayaan ninyong sabihin ko ang isang bagay, mga kapatid. Kung ang kalooban ng Diyos ay tunay na nagaganap sa ating buhay, mararanasan natin ang langit ngayon at dito sa lupa. Iyon ay kung ang kalooban ng Diyos ay tunay na nagaganap sa inyong buhay. Walang kasinglungkot o miserable ng isang 'spiritual schrzophrenic', kung saan kayo'y hatî sa loob ng inyong pag-iisip. Sinusubukan ninyong mabuhay para sa Diyos; sinusubukang din ninyong mabuhay para sa sanlibutan - sinusubukang may magawâ sa dalawang panig! Lubhang miserable ang ganoong uri ng pamumuhay. Hindi ito sulit. Kahit hindi sabihin ng Biblia na mamilě - isa sa dalawa - magiging matalino kayo kung talagang pipilě kayo ng isa sa dalawa. Piliin ninyo na lang ang sanlibutan at kalimutan na ang tungkol sa kabilang panig. Ito'y dahil mamumuhay lang kayo sa dalawang-katauhang mapagkunwaring pagkasira-ng-pag-iisip na buhay, na walang kagalakan, walang kapayapaan, walang kapangyarihan. Hindi ninyo mararanasan ang langit ngayon dito.

Bakit ako naniniwala sa langit? Dahil nararanasan ko na ito ngayon! Alam ko kung paano ang langit - kapag ako'y nabubuhay na ganap na sumusunod sa Diyos. Doon ninyo mararanasan ang kagalakan, ang kapayapaan, at ang kapangyarihan. Kung ang isang pamilya'y nabubuhay ng 100% sa buong pagsunod sa Diyos, ang pamilyang iyon ay magiging langit sa lupa. Kapag hindi nag-aaway ang mag-asawa, kapag hindi nila nilalabas ang kanilang mga magkaibang ugali laban sa isa't isa, kapag hindi umiiral ang pagmamataasan, ang pagpupumilit, ang sumbatan, ang pag-aaway laban sa isa't isa [ito'y langit sa lupa]. Sinasabi ko sa inyo, ang inyong pamilya'y magiging langit sa lupa kung ang bawa't tao sa pamilya ay buung-buong sumusunod sa Diyos.

Ngayon, maaaring hindi natin makakamit iyon sa isang pamilya, lalo na sa lipunan na ayaw naman sumunod sa Diyos kahit papaano - nais nilang gawin ang sariling kaparaanan nila - pero maaari nating makamit ito sa sarili nating buhay. Maaari kong ipasya, sa grasya ng Diyos, na ang kalooban ng Diyos ang matutupad sa aking buhay, tulad nang sa langit. [Kung] lubos at buung-buong magaganap ang kalooban Niya, mararanasan ninyo ang kagalakan, ang kapayapaan at ang kapangyarihan. Naranasan ninyo na ba ang langit sa inyong buhay?

Minsa'y nararanasan ninyo ito sa isang literal na paraan; minsa'y sa di-gaanong ka-literal na paraan. Naibahagi ko na sa mga kapatiran sa Liverpool, England kung paano ko naranasan ang langit sa lupa sa literal na paraan, sa pinaka-literal na paraan na maaaring mangyari. Isang Linggong umaga, gumising ako. Lumuhod ako sa harap ng Diyos upang manalangin at magsamba, at binuksan ko ang aking buhay tulad nang nakagawian ko nang gawin araw-araw, sinusukong muli ng buung-buo ang aking buhay sa Kanya [sa pagsabing]: "Magawa nawa ang Iyong kalooban sa aking buhay, gaya ng sa langit."

At alam ninyo ba kung ano ang naranasan ko? Naranasan ko ang langit sa araw ding iyon, sa isang literal na paraan. Tulad ng sinabi ni Pablo sa 2 Corinto Kapitulo 12, hindi ako masyadong sigurado kung ako'y nasa mundo o wala sa mundo, kung ako'y nasa katawan o sa labas ng katawan. Paraiso! Ito iyon! O, ito'y isang karanasang hinding-hindi ko malilimutan. At ang karanasang iyon ay nagpatuloy hindi lang 5 minuto ni 10 minuto, kundi ilang oras. Sunod-sunod na oras! Nakamámangha ito - ang maging nasa ganoong katamis na pakikisama sa Diyos, punung-punó ng di-maipapahayag na kagalakan!

Nakaranas na ba kayo ng anumang tulad nito? Tayo'y nakalaan para maging mga anak ng langit ngayon, hindi lamang sa hinaharap. Kung hindi kayo nakararanas ng espirituwal na katotohanan ngayon, papaano ninyong malalamang makararanas pa kayo nito? Alam ninyo ba kung bakit may ilang mga Cristiano ang di-sigurado tungkol sa langit? Ito'y dahil hindi nila alam kung totoo ang langit o hindi. Hindi nila alam kung ito'y totoo o hindi dahil hindi pa sila kailanman nagkakaroon ng unang tikim na karanasan nito. Pero sinasabi sa atin ng Biblia na maaari tayong magkaroon ng isang unang tikim ng mga bagay na iyon. Sa aklat ng Hebreo, binanggit ito: "nakalasap... ng mga kapangyarihan ng panahong darating." [Hebreo 6:5] Nakalasap na ba kayo nito?

Ngayon, ang mabuhay sa ganitong paraan ay ang ating mana dito at ngayon. Sa gayon, tayo'y magiging isang uri ng mga Cristiano na tunay na nagniningning dahil ang langit, para sa atin, ay naging isang katotohanan sa kasalukuyan. O, ako'y nagmamakaawa sa inyo, mga kapatid, na huwag mamuhay sa kasalanan, sapagkat ang kasalanan ay nagdadala ng kalungkutan at kawalang-kabuluhanan at kasayangan at pagdurusa. Walang anumang matátamo ito! Bakit ninyo nanaising mabuhay sa kasalanan? Hindi ko nauunawaan. Pisikal kayong winawasak nito. Winawasak kayo nito sa inyong pag-iisip. Winawasak kayo nito sa espiritu ninyo. Bakit magpapakasayá sa kaligayahan ng pagkakasala sa isang panahon? Limang minuto ng pagpapakasayá sa kasalanan - napakasayá nito; tunay na napakasayá nito - at ang pinsala'y nagawa ninyo na sa pisikal, sa pag-iisip, at sa espiritu. Ang lahat ay napinsala. Bakit gagawin iyon? At bakit hindi na lang pumasok sa kagalakan ng langit ngayon, at sa gayon ay mayroon kayong kasiguraduhan ng langit?

Sinasabi ng mga tao, "Bakit mayroon kang ganoong kompiyansa sa mga bagay na sinasabi mo?" Ito'y dahil sa nararanasan ko ang mga ito. Kung hindi ko nararanasan ang mga ito, hindi ko matatalakay ang tungkol sa mga bagay na ito nang may ganitong kompiyansa. Magiging pawang mga teoriya, pilosopiya at kuru-kuro lang ang mga sasabihin ko. Pero ang tinatalakay ko'y mga bagay-bagay na sinabi ni Pablo na: "Alam ko." Ipinahahayag ko ang mga bagay-bagay na alam kong totoo. Tulad ng sinabi ni Pablo kay Timoteo, "nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan". [2 Timoteo 1:12] Hindi ako nagmumuni-muni lamang. Hindi ako naghahaka-haka lang. Hindi ako nagpipilosopo lang. Kilalá ko kung sino ang aking tinutukoy.

Kaya, sinasabi ko, mga kapatid, maaari nating maranasan ang langit dito, kung matututo lamang tayong mamuhay sa kung ano ang situwasyon ng langit - sa buong pagsunod, sa buong pagtatalagá sa Kanya. Iyon dapat ang normal na buhay-Cristiano. Kaya, nawa'y pagkalooban tayo ng Diyos ng ganoong uri ng karanasan! Tulad ng sinabi ko sa inyo, hindi ko kailanman makalilimutan ang umagang iyon sa London. O, anong kamanghá-mangháng pakikisama sa Diyos! At tandaan ninyo ito: Hindi ako humahanap ng karanasan. Hinahanap ko lang, hinahangad ko lang, na maging buô ang pagsukň ko sa aking Panginoon. Huwag mag-umpisa sa paghahanap lang ng isang karanasan. Doon nagkakamali ang napakaraming Cristiano. Naghanap sila ng karanasan, hindi ng tamang pag-iisip. Ang dahilan kung bakit malî ang maghanap ng karanasan ay ito: na minsang magkaroon kayo ng karanasan, sa gayo'y maaari ninyo nang kalimutan muli ang tungkol sa mga kinakailangang gawin. Maaari na kayong bumalik kung saan kayo naroon dati-rati, at sabihing, "Oo, naranasan ko na ito. Nakaáaliw ito." Ang Diyos ay hindi naroon upang bigyan lang kayo ng karanasan na mapaglalaruan lang, na maaari ninyo lang ipagyabang sa iba.

Tanging kung nakahanda kayong tuloy-tuloy na mabuhay sa ganitong paraan, isang araw, kayo'y - sa paggamit ng mga salita ni C.S. Lewis - "masosorpresa ng kagalakan! ["Surprised by joy!"] Tulad ito ng pagkasorpresa ko. Bumangon ako't nanalangin tulad nang ginagawa ko bawat umaga. Wala namang pambihira dito. Pero nang umagang iyon, sinigurado ng Diyos na dalhan ako ng isang karanasan ng langit, tulad nang hindi ko pa kailanman naranasan. Kaya, kapag sinasabi natin sa Panalanging itinuro ng Panginoon na, "Ama namin na nasa langit" [Mateo 6:9], ang langit - at ito ang huling puntong ginawá natin - ay hindi na dapat di-maunawaan, o malayň, o banyagŕ. Ngunit dapat ito'y kilalá natin sa ating karanasan, ang lugar ng ganap na pakikisama sa Diyos dahil sa buóng pagsunód sa Kanya.

Alam nating may hinandang kamanghá-mangháng espirituwal na kinabukasan ang Diyos para sa atin. Madalas kong isipin ang mga salitang nasa 1 Corinto 2:9 kung saan sinabi ni Pablo:

Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga,

Ni hindi pumasok sa puso ng tao,

Anomang mga bagay na inihanda ng Diyos

sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.

O, mga kapatid! Kung masasabi nating ang mga naranasan nati'y kamanghá-manghá ngayon, sinasabi ni Pablo na, "Hindi pa nga kayo nakapag-uumpisa, sa anumang panukat o paraan; malayo pa ang mararating. Inihanda ng Diyos ang mga bagay na hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng tainga, ni pumapasok sa isip ng tao - mga inihanda ng Diyos para sa mga nangagsisiibig sa Kanya."

Kaya, makikita natin ang kagalakan, ang magandang kinabukasang hinaharap. Ang Cristiano'y isang taong may isang kamanghá-mangháng kinabukasan. Mayroon siyang hinaharap, na wala ang sinuman sa sanlibutang hindi nakakikilala sa Diyos. Anong hinaharap mayroon tayo! At kaya, pinasasalamatan natin ang Diyos para sa Kanyang Salita at sa Kanyang kabutihan sa atin.

Tapos ng mensahe.

Ginamit ang:

šAng Biblia: Ang Banal na Kasulatan na Kinalalamnan ng Matanda at Bagong Tipan na Isinalin sa Wikang Tagalog, Philippine Bible Society, Manila, 1982.

˛New American Standard Bible, Cambridge University Press, London, 1960.

Isinalin sa Tagalog ng Gospel Disciples Church, Philippines. 2005.

[Get it!]


Difficult in reading?
Change the font size here:

Standard
Large
Largest

Tagalog Series:

- Ang Tatlong Espirituwal na Prinsipyo ng Kapayapaan

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 1 - "Ama Namin"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 2 - "Langit"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 3 - "Sambahin Nawa ang Pangalan Mo"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 4 - "Dumating Nawa ang Kaharian Mo"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 5 - "Bigyan Mo Kami Ngayon ng Aming Pagkain sa Araw-araw"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 6 - "Patawarin Mo Kami sa Aming mga Utang"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 7 - "At Huwag Mo Kaming Dalhin sa Tukso, Kundi Iligtas Mo Kami sa Masama"

- Ilaw ng Sanlibutan 1

- Ilaw ng Sanlibutan 2

- Minsa'y Ako'y Ligaw, Ngayo'y Natagpuan Na - Anong Grasya!

- Ang Pagsunod sa Kordero ng Diyos

- Ang Kahalagahan ng Pagdurusa - Masasayang Kasaysayan Mula sa Libis ng Lilim ng Kamatayan

- Mapapalad ang mga Dukha

- Mapapalad ang mga Nahahapis

- Mapapalad ang mga Mapagpakumbaba

- Mapapalad ang mga Nagugutom at Nauuhaw sa Katuwiran

- Mapapalad ang mga Mahabagin

- Mapapalad ang mga May Malinis na Puso

- Mapapalad ang mga Mapagpayapa

- Mapapalad ang mga Inuusig Dahil sa Katuwiran


 

 Copyright 1998-2007. All Materials in this site are copyrighted unless otherwise stated. Best viewed with IE6.0 and 1024 by 768 resolution.