CDC Home | Feedback  | updated on 28 May 2008

A Christian Evangelism and Discipling Ministry

CDC Home

 | About Us

 | Hotlinks

 | Bookstore

 | Write to Us

Oasis

Sermons - Text

Sermons - Audio


Higher Ground

Devotionals

Missions

Testimonies


Trainings

Commitment

Basic

Intermediate

Doctrinal & Exegetical

Full-Time Ministry


Draw Near

Worship in Songs


Others

Audio Cassettes

Books Ministry

- Chinese

- English

Music & Film Ministry


Languages


Tagalog

 


Subcribe to CDC Feed subscribe feed

Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 3 - "Sambahin Nawa ang Pangalan Mo"
(The Lord's Prayer - 3 - "Hallowed Be Your Name")

Mateo 6:9, Mensahe ni Pastor Eric Chang

Kailangan natin ngayong dumako sa mga mahahalagang salita na ito: "...sambahin nawa ang pangalan mo." Napag-aralan na natin ang kayamanan ng Salita ng Diyos sa kahulugan ng "Ama namin" nang ating pinag-aralan kung ano ang ibig sabihin nito. Ano naman ang ibig sabihin ng "...nasa langit" nang nakita natin ito noong nakaraang linggo? Nakita natin na ang langit ay hindi anumang uri ng isang lokasyong heograpikal (na patungkol sa sangkalupaan), kundi ito'y isang espirituwal na kalagayan ng pamumuhay. At nakita natin kung ano ang kaibahang nagagawa nito sa ating buong espirituwal na pananaw, kung ano ang kaibahang nagagawa nito sa ating buhay panalangin, kapag wastung-wasto nating nauunawaan ang Salita ng Diyos, na ang Diyos ay hindi malayo na kinakailangan pa natin Siyang abutin sa pamamagitan ng anumang uri ng mga panalanging ibinunsod ng rocket, kundi ang Diyos ay laging malapit, na nasa ibayo mismo ng materyal at ng espirituwal, ang espirituwal ay para bagang mismong nasa tabi, na masasabing nagpapalit-palit lamang kadalasan ang espirituwal frequency¹ o kahit na ang materyal na frequency. At inyong makikita na nakapasok na pala kayo sa isang bago at naiibang kalagayan ng pamumuhay, na kung saan naroroon ang Diyos. Ang Diyos ay Espiritu at Siya ay hindi malapit o malayo sa alinmang paraan na ating masusukat sa pamamagitan ng distansyang heograpikal.

Ngayon, alam kong marami sa inyo ang maaaring hindi mapapahalagahan ang importansya nito. Sa katunayan, dapat kayong maging isang mag-aaral ng Teolohiya upang maintindihan ang kalaliman ng tungkol sa ating pinag-uusapan. Ngunit umaasa ako na sa tamang panahon, ang kahulugan nito ay unti-unting tatagos sa inyong isipan tungo sa inyong puso. At pagkatapos, ito'y darating at simula na ninyong mauunawaan kung ano ang tunay na kahulugan nito, na ang Diyos ay kasinglapit ng inyong sariling hininga, kasinglapit ng inyong sariling espiritu. Hindi Siya kailanman malayo sa inyo. Iyon ang buong katuruan sa Banal na Kasulatan. Kung Siya man ay malayo, ito ay dahil sa malayo kayo sa Kanya. Malayo kayo sa Kanya dahil sa kasalanan. Ngunit hindi kailanman Siya malayo sa inyo kung distansya ang pag-uusapan. Siya'y palaging malapit.

At kaya, paano tayo makalalapit sa Diyos? Ito ay ang lubos na paglapit lamang sa Kanya, sa pamamagitan ng pagsisisi sa ating mga kasalanan. At sinasabi ni Santiago sa atin na, "Lumapit kayo sa Diyos, at siya'y lalapit sa inyo." [Santiago 4:8] Nakasalalay ito sa inyo. Katawatawa kung paanong madalas sabihin ng ilang tao sa akin na, "Parang ibinibigay mo na palagi sa amin ang pananagutan. Binibigyang diin mo palagi kung ano ang kailangan naming gawin." Ngunit iyon ang kung ano ang sinasabi ng Kasulatan, hindi ang kung ano ang sinasabi ko. Ang Diyos ay palaging handa sa paggawa ng Kanyang pananagutan. Ang tanging katanungan ay kung nakahanda ba tayo na gawin ang ating pananagutan.

Samakatuwid, binibigyang-diin mismo ng Kasulatan ang ating pananagutan at hindi ito kailanman nag-iiwan sa atin ng pag-aalinlangan; ang Diyos ay laging handang tumugon sa ating panalangin. "Humingi kayo," - iyon ay ating responsibilidad - "at kayo ay bibigyan." "...humanap kayo" - iyon ay ating responsibilidad - "at kayo ay makakatagpo". [Mateo 7:7] At sinasabi ni Santiago na, "Lumapit kayo sa Diyos, ...siya'y lalapit sa inyo." Gawin ninyo ang inyong bahagi; gagawin Niya ang Kanyang bahagi. Ang katanungan lamang ay kailangan nating malaman kung ano ang ating pananagutan. Hindi na natin kailangan pang malaman kung ano ang pananagutan ng Diyos. Gagawin Niya ang Kanyang bahagi. Hindi na ninyo kailangan pang mag-alala tungkol doon. Sa gayon, dito sa Kasulatan, ang binibigyang diin - hindi ko ito pagdidiin; kundi ito'y pagdidiin ng Kasulatan - ay ang laging pagsasalalay ng responsibilidad sa atin dahil nagawa na ng Diyos ang lahat ng bagay na dapat gawin. Ngayon, nasa sa atin na ito. "Lumapit kayo sa Diyos, ...siya'y lalapit sa inyo."

Ano Ba ang Ibig-sabihin ng "Gawing Banal Nawa ang Iyong Pangalan"?
Sa araw na ito, tayo kung gayon ay pupunta sa mga salitang ito, "...sambahin nawa ang pangalan mo". [Sa Ingles, ito'y "Hallowed be your name", na sa saling-Tagalog ay mas tugma sa "Gawing banal nawa ang Iyong pangalan." Sa Intsik, ang wika ng nagmemensahe nito, ito'y "yuan ni de ming bei zun wei sheng".] Ano naman kaya ang ibig sabihin nito? Napakadaling manalangin ng Panalangin ng Panginoon. Sa mga nakapag-eskuwela sa paaralang Katoliko tulad ko, ang unang bagay na natutunan namin sa paaralang Katoliko ay ang Panalangin ng Panginoon. At palagi naming inuulit-ulit ito nang walang kaalam-alam kung ano ang kahulugan nito. Hindi ko alam kung gaano karaming beses kong naipanalangin sa paaralang Katoliko noong bata pa ako ang "...sambahin nawa ang pangalan mo". [Ngunit] walang sinuman ang nakapagsabi sa akin kung ano ang kahulugan nito. Mayroon na bang nakapagsabi sa inyo kung ano ang kahulugan nito? Alam ba ninyo kung ano ang kahulugan nito?

Ano kung ganoon ang kahulugan nito? Kailangan nating simulang pag-aralan ang katanungang ito sa pamamagitan ng ilang iba pang katanungan. Kailangan nating tanungin: "Ano kaya ang ibig sabihin ng 'gawing banal' ['hallowed']?" Ano ba ang ibig sabihin ng "gawing banal ang Kanyang pangalan?" Kailangan nating tanungin: Paano kaya 'gagawing banal' ang Kanyang pangalan? Paano maisasakatuparan ang lahat ng ito? Saan ito maisasakatuparan? Bakit kinakailangan pa itong maisakatuparan? Mayroon tayo ngayong napakaraming katanungan na maitatanong. Umaasa ako na sa inyong pagbabasa ng Biblia, magsisiyasat kayo sa pagkakaroon ng maraming tanong, hindi sa pagkakaroon ng isang blankong pag-iisip. Kung hindi kayo magtatanong, hindi rin kayo makakukuha ng mga kasagutan. Kung minsan, maaaring nakapagtanong na kayo ngunit hindi pa rin agad-agad na nakakukuha ng mga kasagutan, subalit kahit na ganoon, mayroon man lamang kayong nasimulan na mapag-isipan. May isang kasabihan sa Ingles na kung maitatanong ninyo ang tamang katanungan, iyon ay kalahati na ng kasagutan. Ang problema ay ang pagtatanong ng tamang katanungan.

Kaya, sa pagsisiyasat sa Salita ng Diyos, dapat kayong lumapit na may isang espirituwal at isang aktibong pag-iisip, na nagtatanong. Kung minsan, wala tayong lakas ng loob na magtanong dahil hindi natin natitiyak na makakukuha tayo ng anumang kasagutan. Ngunit kung nakahanda tayong magsiyasat, kung nakahanda tayong maghanap, tayo ay makatatagpo. Mayroong isang lubhang kapakipakinabang na kasabihan si Kipling na sa palagay ko'y kinakailangan nating matutunan bilang mga Cristiano sa ating pag-aaral sa Salita ng Dios. Ito'y ganito: "Pinanatili ko ang anim na matapat na tauhan. Sila ang nagturo sa akin ng lahat ng nalalaman ko. Ang pangalan nila ay: Ano, Bakit, Kailan, Saan, Paano at Sino." Lubhang kapakipakinabang na matututunan itong kasabihang ginawa ni Kipling. Kailangan natin itong tandaan. Kapag tayo'y lumalapit sa Salita ng Diyos, huwag lamang nating titigan ang mga salita, o magbuntong-hininga lamang at sabihing, "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nito." Umpisahang magtanong at umpisahang hanapin ang mga kasagutan. Ito ang paraan na kayo'y makasusulong kung kayo nga ay susulong sa Salita ng Diyos.

Ano ang ibig sabihin ng 'hallowed' [na ating isinalin sa Tagalog na] 'gawing banal'? Una, tunay nga na nagbibigay ng napakaraming problema ang mga tagapagsalin sa Ingles [mula sa orihinal na Griyego] sa atin. Siyempre, ang 'hallowed' ay isang salitang hindi na ginagamit sa wikang Ingles sa huling 300 na taon. Kaya, kung hindi ninyo alam kung ano ang ibig sabihin ng 'hallowed', hindi ko kayo gaanong masisisi. Ano nga kaya ang ibig sabihin ng 'hallowed'? Ayon sa mga bihasa sa Ingles, ang salitang ito'y "out of circulation" o hindi na ginagamit lagpas na sa 300 taon, at malamang, hindi na rin ginagamit noon pang kapanahunan ni King James.

Ang ibig sabihin ng "out of circulation" ay hindi na ito ginagamit sa kasalukuyan. Ngunit dahil ito'y naging bahagi ng tradisyonal na wikang Ingles, lagi itong bahagi ng Panalangin ng Panginoon. Sa gayon, ang mga tagapagsaling-wika ay hindi nakaramdam ng kalayaan kahit na sa isang bagong pagsasalin na baguhin pa ang salita, kung kaya't kahit sa 'New English Bible', naroon pa rin ito: "Your name be hallowed", "gawing banal nawa ang pangalan Mo", na para bagang husto nang alam ng kahit sinuman ang eksaktong ibig sabihin nito. Sa saling-Intsik, na walang sinusunod na tradisyon, mas malaya sila ritong isalin sa "yuan ni de ming bei zun wei sheng" na mas malapit sa tamang kahulugan: Hayaang ang pangalan Mo ay maituring - mapagpitaganan, maigalang - bilang banal. Maigalang nawa ang Iyong pangalan bilang banal! Ang problema lang, kahit na mayroon na tayong tamang saling-wika, "Let your name be respected as holy", hindi pa rin tayo lubos na nakatitiyak kung ano ang ibig sabihin nito.

Ang "Maging Banal" ay ang Maging Kakaiba, ang Mahiwalay mula sa Sanlibutan
Ano ang kahulugan kung sasabihing, "Let your name be respected as holy", "Hayaang ang Iyong pangalan ay maigalang bilang banal?" Ano ang ibig sabihin ng 'banal'? Ngayon, ano bang tunay na ipinapalagay na kahulugan ng salitang 'banal'? Maaari nating isipin ang mga santo na mga banal dahil sila'y na-canonize ng isang Papa. Maaaring nangangahulugan iyon na nailagay siya sa isang kanyon [cannon] at ito'y pinaputok, o anumang bagay na ganito. Ngunit hindi ganyan ang ibig sabihin nito. Nangangahulugan lamang ito na nagpasya ang Papa na itanghal siya sa antas ng isang santo, na para bang ito'y nasa Papa o sa sinupaman ang pagpapasya kung sino ang magiging isang santo. Ang ganitong uri ng maling kaisipan kung ano ang 'banal' ay nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon.

Ano ang Biblikal na kahulugan ng 'banal'? Ano ang ibig sabihin ng 'kabanalan' sa Biblia? Sa katunayan, ang batayang kahulugan ng 'banal' sa Biblia ay napakasimple. Ito'y nangangahulugang maihiwalay, maibukod, maging kakaiba sa lahat ng bagay at lahat ng ibang tao. Ang Diyos ay banal sa kahulugang Siya ay kakaiba sa lahat ng bagay at sa kaninoman. Wala Siyang katulad. Ang bugtong na Anak, ang bukod-tanging Anak ay nangangahulugang Siya ang banal na Anak. Siya'y bukod-tangi; wala nang iba pang bagay at wala sinumang tao na tulad Niya. Samakatuwid, Siya'y bukod-tangi, isang kategoryang pansarili Niya. Iyon ay bahagi ng pangunahing kahulugan ng 'banal.' Iyon ang dahilan kung bakit tayo ay banal. Ang salitang 'mga santo' ay simpleng nangangahulugang ang mga taong banal. At alam na ninyo na tinatawag ni Pablo ang mga Cristiano bilang mga santo. Tayong lahat ay mga santo. Hindi na natin kailangan pang hintayin ang sinumang Papa na itanghal tayong santo.

Sinasabi sa atin ng Biblia na ang bawat tunay na Cristiano ay isang santo. Ano ang ibig sabihin niyon? Ang pangunahing ibig sabihin nito ay: kakaiba na siya ngayon sa mga taong nasa sanlibutan. Napili siya mula sa sanlibutan. Naibukod siya para sa Diyos. Naibukod siya mula sa sanlibutan dahil siya ay pag-aari ng Diyos. Ang isang santo ay simpleng isang tao na pag-aari ng Diyos. Naibukod para sa Diyos ang anumang pag-aari Niya, at samakatuwid, ito'y banal. Ito ang kadahilanan na ang nakikita ninyo rito ay tinatawag na "Ang Banal na Biblia." Ngayon, hindi maling gamitin ito sa ganitong paraan dahil ang Biblia ay pag-aari ng Diyos. Ang Salita ay Salita ng Diyos. Samakatuwid, sa pagtawag ninyo nito ng "Ang Banal na Biblia", ito'y lubos na tamang tawagin na 'banal' ang Biblia. Salita ito ng Diyos. Pag-aari Niya ito. Hindi ito kagaya ng alinmang salita ng tao. Ito'y nabubukod mula sa anumang bagay na masasabi ng tao.

Sa kaparehong paraan, sa Lumang Tipan, ang mga saserdote ay banal. Ibinukod sila para sa Diyos. Sila'y tanging nabubuhay para sa Diyos. Sila'y tanging naninilbihan sa Diyos. Wala silang mana sa sanlibutan. Kakaiba sila sa lahat ng tao. Sila'y "wholly" o buong-buo na para sa Panginoon, ibig sabihin, sa katunayan maaari ninyong gamitin ang salitang "holy" o banal sa pagbaybay [spelling] nito na may 'w' sa umpisa - ganap na pag-aari ng Panginoon. Ang 'holy' para sa Panginoon ay maaaring baybayin ding "w-h-o-l-l-y" - 'wholly' o ganap na para sa Panginoon. Ang anumang bagay na buo at ganap na pag-aari ng Panginoon ay buong-buo na pag-aari ng Panginoon. At banal ito sa mga mata ng Diyos. Ito'y naibukod para sa Kanya. Kaya nga nasabi ko na kung ikaw ay isang tunay na Cristiano, ikaw ay banal dahil ikaw ay buong-buo na pag-aari ng Diyos.

Mauunawaan na ninyo ngayon kung bakit patuloy kong ipinapakita sa inyo na ang katuruan sa Kasulatan ay kumikilala lamang sa iisang uri ng pagtatalaga [commitment] at iyan ay isang buong pagtatalaga, isang total na pagtatalaga [total commitment]. Iyan ang dahilan kung bakit tinutukoy sa Biblia ang mga santo. Dahil buong-buo na pag-aari ng Diyos ang mga taong ito. Gaya nang muli't muling gustong malinaw nating maunawan ni Pablo kung bakit, tulad ng pagkakalagay niya sa mga salita sa 2 Corinto: "(Si Cristo'y) namatay para sa lahat, upang ang mga nabubuhay ay huwag nang mabuhay pa para sa kanilang sarili, kundi para sa kanya...." [2 Corinto 5:15]

Kaya ang kabanalan sa panig ng Diyos ay ipinakikita ng Kanyang lubos na kaibahan sa anumang bagay sa sanlibutan. Paano Siya kakaiba? Kakaiba Siya sa ganitong paraan: ang sanlibutan ay makurakot [corrupt] ngunit Siya ay dalisay [pure]. Puno ng pagkapoot ang sanlibutan, ngunit Siya ay puno ng pag-ibig. Walang habag ang sanlibutan, ngunit puspos Siya ng habag at kagandahang-loob. Ang Diyos sa Kanyang pag-uugali ay lubos na kakaiba sa anumang bagay na nasa sanlibutan at sa sinumang nasa sanlibutan. Itong 'kaibahan-sa-ibang-tao-o-bagay' [other-ness], itong ganap na kaibahan ng Diyos ang inilalarawan ng Biblia bilang banal. Iyon ang kabanalan sa aspeto ng Diyos. Ang Kanyang pag-uugali ay ganap na kakaiba sa anumang bagay na matatagpuan ninyo sa sanlibutan. Hindi maaari - at ito ang kamalian ng pilosopiya - hindi kayo maaaring mangatwiran sa Diyos mula sa kaisipan ng sanlibutan dahil ganap na kakaiba ang Diyos sa mga tao. Siya'y ganap na kakaiba. Hindi ninyo maaaring sabihin na, "Ganito ang mga tao; kaya't ganyan ang Diyos." Hindi kayo maaaring mangatwiran nang gaya nito dahil ganap na kakaiba ang Diyos sa mga tao. Siya'y ganap na kakaiba kahit na pa sa mga pinakamahusay na tao. Ang katangian ng Kanyang pag-ibig ay kakaiba sa pag-ibig ng tao.

Gaya ng ating natanto, ang pag-ibig ng tao [human love] ay makasarili. Iniibig ka ng lalaki dahil gusto ka niyang maangkin. Iniibig mo ang lalaki dahil gusto mo siyang masarili. Lahat ng pag-ibig ng tao ay ganito. At kung ang pag-ibig na iyon ay mabigo, nagbibigay ito ng tensyon sa samahan. Nagdudulot ito ng pighati dahil lubos itong makasarili, na sa oras na mabigo ito, nagdudulot ito ng napakalaking hirap. Gaya ng pagkapagod ng bakal [metal fatigue], kapag nabiyak ito, napakalaki ng hirap o pressure ang resulta nito!

Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kailanman kagaya ng pag-ibig ng tao. Hindi ito naghahanap ng makukuha; naghahanap lamang ito ng mapagbibigyan. At sa ganoong uri ng pag-ibig, hindi kayo makatatagpo ng ganoong mga hirap. Kakaiba ang direksiyon nito. Ito'y hindi pag-aangkin para sa aking sarili. Maraming mga ina ang umiibig sa mga anak, ngunit ang kanilang mga anak ay pansarili nilang pag-aari. Nakakita na ako ng maraming mga magulang na ganito ang asal. Tulungan nawa tayo ng Diyos na sa ating pagpapalaki ng ating mga anak, hindi tayo mag-aasal ng ganito: na ang ating mga anak ay 'aking' pag-aari. [Ang pag-iisip ay:] Sila'y nariyan para angkinin o alisan ng karapatan [dispossess] kung gusto ko. Sa katunayan, may kilala akong mga nanay na kinukuhanan ang kanilang mga anak, dahil pinaninindigan nila na ang lahat na pag-aari ng kanilang mga anak ay kanila. Ang ganitong uri ng pag-ibig sa sanlibutan ay lubos na kakaiba sa pag-ibig ng Diyos.

Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi tulad nito. Kung kaya't hindi kayo maaaring mangatwiran mula sa pag-ibig ng tao tungo sa pag-ibig ng Diyos. Hindi mangyayari ang gaya nito. Sinasabi sa Biblia na, "'Malilimutan ba ng babae ang kanyang batang pasusuhin,.... Oo,...ngunit hindi kita kalilimutan,' ang sabi ng Panginoon." [Isaias 49:15] Ganap na kakaiba ang pag-ibig ng Diyos kahit na sa pinakadakila, sa pinakamabuting pag-ibig ng tao. Iyan ang kung ano ang kahulugan ng kabanalan: isang lubos na kakaibang katangian, ang pagkakabukod, ang kaibhan, ang pamumukod-tangi ng Diyos. Ngayon, kailangan nating lubos na malinaw na tandaan ang mga ito kung gusto nating maunawaan kung ano ang pinag-uusapan natin dito, kapag ipinapanalangin natin sa Diyos na pakabanalin nawa Niya ang Kanyang pangalan.

Gaya ng ating makikita, dinadala nito tayo sa susunod na punto. Ang ibig sabihin ng ibinukod ay hindi lamang ang pagkakaroon natin ng isang naiibang pangalan, kundi naiiba rin ang ating mga buhay. Napakaraming mga Cristiano ang nagtataglay lamang ng nag-iisang kaibahan sa mga di-Cristiano. Ito ay ang pagtawag sa kanila bilang isang Cristiano. Hayaan ninyong sabihin ko sa inyo, na sa Biblia, walang kwenta iyon. Ang isang taong mayroon lamang na Cristianong katawagan ay hindi isang Cristiano sa Biblikal na kahulugan. Dapat siyang kakaiba sa kanyang buong pag-uugali at sa buo niyang kaisipan - sa buo niyang pamamaraan sa buhay. Ito ang Biblikal na katuruan. Ito ang kabuuang kahulugan, gaya ng binigyang diin ko noon, ng pagiging naipanganak-na-muli [born again]. Ang maging 'born again' ay nangangahulugang kayo'y naging kakaiba. Kung sa pagiging 'born again' ninyo ay kagaya pa rin kayo nang hindi pa kayo 'born again', ano pa kaya ang punto ng pagiging 'born again'? Ang buong punto ng pagiging 'born again' ay parang naging isang lubos na pagsasanay na pang-akademya lamang. Ang punto ng pagiging 'born again' ay ang pagiging kakaiba ninyo.

Ang Pakabanalin ang Pangalan ng Diyos ay ang Ipahayag Siya bilang Banal
Tayo'y magpatuloy pa sa katanungang ito. Ating pansinin na ang panalanging ito'y inihihiling sa Diyos, na pakabanalin nawa Niya ang Kanyang pangalan. Kaya, una, ito'y isang bagay na dapat gawin ng Diyos. Hinihiling natin sa Kanya na pakabanalin nawa Niya ang Kanyang pangalan. Ngayon, ano ang ibig sabihin nito? Hinihiling natin sa Kanya na pakabanalin nawa Niya ang Kanyang pangalan. Hinihiling natin sa Kanya na gawin Niyang banal ang Kanyang pangalan. Ngayon, Siya ay banal na, 'di ba? Kaya ano pa ang naroroon para gawin Niya? Banal na Siya! Ano pa kaya ang hinihiling natin sa Kanya sa panalanging ito sa pagsasabi natin ng, "Gawing banal nawa ang Iyong pangalan"? "Hayaan ang Iyong pangalan - gawin ang Iyong pangalan - na maging banal." Ano pa ang halaga ng panalanging iyan, kung alam na nating banal na ang pangalan ng Diyos, kung alam na natin na ang Diyos mismo sa Sarili Niya ay banal na?

Dinadala tayo nito sa susunod na punto. Kailangan nating maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng 'pangalan'? Ano ang ibig sabihin ng 'pangalan'? Sa Kasulatan, itinutukoy ng pangalan ang tao, gaya rin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kapag sinabi mong, "Tinutukoy ko ang isang tao." Hindi ko kilala kung sino ang taong iyon hanggang hindi mo sinasabi ang pangalan. Kapag sinabi mong, "Si ganito at si ganoon," doon ko masasabing, "Ah! Alam ko na ngayon kung sino ang tinutukoy mo." Ang pangalan ang kumakatawan sa taong iyon. Ngunit sa Ingles din, ang 'pangalan' ay mayroong [kahulugan ng] dangal o reputasyon, tulad ng sa Biblia. "Ang mabuti kong pangalan" ay nangangahulugang ang mabuti kong dangal. Kung inyong "sisirain ang aking pangalan", nangangahulugan itong sinisira ninyo ang aking dangal. At kaya sa Kasulatan, ang 'Kanyang pangalan' ay nangangahulugang ang Diyos sa Kanyang pagpipiling ipahayag ang Kanyang Sarili.

Kaya ngayon, kapag naiintindihan natin ito, makikita natin kung ano ang hinihiling natin na gagawin ng Diyos. Sinasabi nating, "Ikaw nawa, O Diyos, ay gumawa na ang Iyong pangalan, ang Iyong karangalan, ang Iyong pag-uugali ay maihayag sa paningin ng mga tao bilang banal." Walang anumang katanungan kung ang Diyos mismo ay banal. Ang tanong lamang ay kung alam ng mga tao na Siya ay banal. At siyempre, nagpapahiwatig ito na hindi alam ng mga tao na Siya ay banal at hindi kilala ng sanlibutan ang Diyos. Kung kaya, ang panalangin ay: "Hayaang malaman ng sanlibutan, o Diyos, kung sino Ka." Ganito ang panalanging iyon: "Hayaang maihayag ang Iyong malakas na kapangyarihan, upang malaman ng buong sanlibutan na Ikaw ay Diyos, upang maitaas ang Iyong pangalan." Sa ganito, umpisa nating makikita na ang "gawing banal nawa ang Iyong pangalan" ay napakalapit sa "Luwalhatiin nawa ang Iyong pangalan." Ang panalangin sa katunayan ay "luwalhatiin nawa ang Iyong pangalan" sa isang natatanging paraan, na ang Iyong pangalan ay lubos na mailuluwalhati, upang matanto ng mga tao na Ikaw, O Diyos, ay banal," ibig sabihin, lubos na kakaiba sa anumang bagay na nasa sanlibutan.

Ang mga Diyus-diyosan ng Sanlibutang ito ay mga Supermen Lamang
Ngayon, hindi nalalaman ng sanlibutan iyon. Kung lalabas kayo, matatagpuan ninyo na iniisip ng mga tao ang Diyos sa napakalayo-sa-katotohanang [strange] mga paraan. Ang palagay ng mga Griyego sa mga diyus-diyosan ay simpleng supermen lamang sila. Sila'y umaasal na gaya rin ng mga tao. Gumagawa sila ng lubos na di-kalugud-lugod na mga bagay. Mayroon kayong isang diyus-diyosan na tinatawag na Bacchus, ang diyus-diyosan ng pista, na nanlalasing ng mga tao at nilalasing din niya ang kanyang sarili. Magulo't maingay ang uri ng kanyang pagkatao. Mayroon kayong "diyus-diyosan ng digmaan." Kahit na sa mga Intsik, mayroon kaming Guan Gong, ang diyus-diyosan ng digmaan. Sa ibang salita, ang mga diyus-diyosan, pansinin ninyo, ay hindi banal. Ang mga diyus-diyosan ng sanlibutan ay pawang nakatataas na mga nilikha lamang [super human beings]. Ginagawa nila ang lahat ng mga masasamang bagay na ginagawa ng mga tao, maliban lamang sa iilan, dahil kinakatawanan nila ang pangtaong kabutihan, ngunit [hanggang doon lang]. Pansinin ang mga diyus-diyosan sa sanlibutang ito, walang sinuman sa kanila ang banal. Tao lamang sila na nakahakbang sa mas mataas na antas.

Kaya, sinuman sa inyo na pamilyar sa mga alamat ng Griyego [Greek mythology] ay matatanto na ang mga diyus-diyosan ng Griyego, halimbawa, o ang mga diyus-diyosan ng mga Romano na rin, ay mapaghiganti; kapoot-poot; makitid ang pag-iisip; may hamak na asal; nakikipagbangayan; nag-aaway-away; naglalasingan; nagsasakitan ng isa't isa. Umaasal ang mga diyus-diyosan na gaya mismo ng mga tao. Bakit? Ito'y dahil lahat ng mga diyus-diyosan ng sanlibutang ito ay mga taong pinaangat ng isang antas lamang. Ngayon, ipinakikita niyon sa inyo ang kaibahan ng Diyos ng Biblia sa mga diyus-diyosan ng sanlibutang ito. Ang Diyos ng Biblia ay agad-agad na kakaiba dahil wala Siyang anumang pagkakatulad sa isang tao. Iyan ang dahilan kung bakit sinabi ko mula pa sa umpisa na hindi kayo maaaring mangatwiran mula sa kabutihan ng tao, maging ito man ay kabutihan ng mga mandirigma, ng labanan, kung saan natin nakuha ang mga diyus-diyosan ng digmaan na gaya ni Mars sa Kanluran o ni Guan Gong sa Tsina. Ang mga ito'y mga bayani lamang na pinaangat ng isang antas. Si Guan Gong, siyempre, ay isang bayani sa kasaysayang Intsik na itinaas - itinuring na diyos - sa antas ng isang diyus-diyosan, na sadyang nagpapatunay mismo nito: na ang mga diyus-diyosan ng sanlibutang ito ay mga supermen lamang.

At tayo'y mayroon pa rin niyon sa ngayon. Lumilikha pa rin ang mga tao ng kanilang mga diyus-diyosan. Mayroon tayong "Bionic Man" at "Bionic Woman" ngayon. Para sa anim na milyong dolyares, magkakaroon na kayo ng isang superman. Tumatakbo siya ng mas mabilis ng kaunti kaysa sa iyo at mayroon siyang mas higit na kalakasan sa pagpipihit nito at niyong bagay. Hindi naman gumagana ng mas mabilis ang kanyang isip, ngunit gayonpaman, maaaring mapaunlad ang bahaging iyan balang araw kapag sila ay nakapagdagdag pa ng isa o dalawang milyong dolyares. Sa kasalukuyan, sa paggastos ng anim na milyong dolyares, maaari na siyang makagawa ng anumang mga bagay-bagay na magagawa ng karamihan sa mga bulldozer. Siya'y isang napakamahal na bulldozer. Gayonpaman, makikita ninyong ito'y tipikal sa mga diyus-diyosan ng sanlibutang ito. Mga tao lamang sila na naiangat sa mas mataas na antas.

Sa gayon, kailangan nating maunawaan na ang panalangin dito ay: "O Panginoon, makilala nawa ng sanlibutan na Ikaw ay kakaiba, na hindi Ka gaya ng mga diyus-diyosan [ng sanlibutang ito]." Sa ibang salita: "Ihayag Mo ang Iyong Sarili." Ito ang panalangin: "Ihayag Mo ang Iyong Sarili sa sanlibutan. Hayaang malaman ng sanlibutan na Ikaw ay Diyos." Gaya ng sa Lumang Tipan, sa Ezekiel, napakaraming ulit [na sinasabi rito], "at malalaman ng mga bansa na Ako ay ang Diyos kapag gumagawa Ako nito't niyon." Makikia natin sa ilang sandali kung ano ang ginagawa Niya.

Maihahayag ang Kabanalan ng Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang mga Tao
Kailangan natin dito na magpatuloy at ipursigi ang katanungan sa pamamagitan ng susunod na tanong. Sa pagkakita natin na ipinapanalangin nating mailuwalhati nawa ng Diyos ang Kanyang pangalan sa pamamagitan ng pagpapakita na ito'y banal, sa paghahayag ng Kanyang pag-uugali bilang banal at lubos na naiiba sa anumang nasa sanlibutang ito, na magawa Niya ang Kanyang pagpasok sa sanlibutang ito sa kapahayagan [revelation] at sa kapangyarihan [power], ngunit papaano kaya ito magagawa? Ano mismo ang ipinapanalangin natin? O alam ba natin kung ano ang ipinapalangin natin? Ang nakikita nating susunod na hakbang ay ito: ang Diyos ang gagawa ng bagay na ito, at papaano Niya gagawin ito? Gaya ng ipinapakita ng Kasulatan sa atin, gagawin Niya ito sa atin.

Ngayon ito ang punto na dapat ay napakalinaw at napakamahalagang makita natin. Kung hihilingin natin sa Diyos na gawin ito, paano o saan kaya mapapabanal ang Kanyang pangalan? Ibig sabihin, sa anong paraan kaya mapababanal ang Kanyang pangalan? Mapababanal ba ito sa mga bahay-bahay sa Montreal? Ang pangalan ba ng Diyos ay makikita na banal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga bahay-bahay? Sa pagtingin sa mga puno? Sa pagtingin sa mga bulaklak? Sa pagtingin sa ano? Sa mga sasakyan? Siyempre hindi! Kailangan sa pamamagitan ng pagtingin sa mga tao. Ihahayag ng Diyos ang Kanyang pangalan bilang banal - saan? Sa Kanyang mga tao! Ngayon, iyan ang susunod na punto na dapat nating maintindihan.

Maihahayag ang kabanalan ng Diyos sa atin. Iyan ang katuruan sa Kasulatan. Hayaang basahin ko sa inyo sa pinag-uusapan nating ito ang isang importanteng bersikulo, at ito ay nasa Ezekiel, na napakalinaw na binubuod, sa katunayan, ang kabuuan ng katuruang ito. Sa Ezekiel 36:23, hayaang basahin ko ang bersikulong ito sa inyo at makikita ninyo kung gaano kalapit ang bersikulong ito sa bersikulong pinag-aaralan natin ngayon. Dito'y mababasa natin ang mga salitang ito:

Aking pawawalang-sala ang aking dakilang pangalan na nilapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila. Malalaman ng mga bansa na ako ang PANGINOON, sabi ng Panginoong DIYOS, kapag sa pamamagitan ninyo ay pinawalang-sala ang aking kabanalan sa harap ng kanilang mga mata.

Mapapansin ninyo kung gaano kalapit ang mga salitang ito sa Panalangin ng Panginoon. Ano ang Kanyang sinasabi rito? Ano ang sinasabi ni Ezekiel? "Aking pawawalang-sala ang aking dakilang pangalan na nilapastangan sa mga bansa" - sa pamamagitan ninyo! "Kayo, Israel!" At ang mga salita ay nakalulungkot na tumutukoy din sa iglesia ngayon. "Nilapastangan ninyo ang Aking pangalan. Dinungisan ninyo ang Aking pangalan sa sanlibutan." Ang iglesia ay nakapagdala ng kaunti o ng walang kaluwalhatian sa Diyos, kundi napakaraming kahihiyan sa pamamagitan ng kanilang pagsusuwatan o pagtataltalan, pagbabangayan, pagpapangkat-pangkatan, pagpapanig-panigan, ng kanilang pagkakaiba ng pananaw at pagtatalo-talo sa iglesia. "Inilagay ninyo sa kahihiyan ang Aking pangalan." Ang 'nilapastangan' ay mismong kasalungat ng 'gawing banal'. Ito'y ang gawing pandaigdig o secular. Ito'y pagpapahiya, pagpapababa. "Nilapastangan ninyo ang Aking pangalan sa mga bansa. Malalaman ng mga bansa - sa sandaling maipahayag ko ang Aking kabanalan at mapawalang-sala ang Aking kabanalan - na Ako ang Panginoon,' ang sabi ng Panginoon ninyong Diyos, 'sa pamamagitan ninyo, kayo, na mismong mga taong naglapastangan at nagbigay ng kahihiyan sa Aking pangalan.' Gagawa ako ng isang bagay sa isang paraan na sa pamamagitan din ninyo ay mapawawalang-sala ang aking kabanalan sa harap ng kanilang mga mata, sa mga mata ng sanlibutan."

Ngayon, makikita ninyo sa sandaling maingat ninyong mabasa ang bersikulong ito na katulad mismo ito ang nasa isipan ni Jesus. Pakababanalin ng Diyos ang Kanyang pangalan. Luluwalhatiin ng Diyos ang Kanyang pangalan bilang banal at gagawin Niyang makikita ito ng lahat ng mga bansa sa sanlibutang ito. Ngunit ito ay sa pamamagitan ninyo. Iyan ang kaparaanan ng Kanyang pagsagawa nito. Sa mismong mga tao ring lumapastangan sa Kanyang pangalan, gagawa Siya ng isang gawain sa kanila upang luwalhatiin nila ang Kanyang pangalan. Ngayon, ito mismo ang ipinapanalangin ko, ito ang kung ano ang dapat nating ipanalangin para sa henerasyong ito. Naging isang kahihiyan ang iglesia. Alam nating lahat ito. Walang silbing pagtalunan pa ang tungkol sa bagay na ito. Walang silbing depensahan pa ito. Isa itong katotohanan na alam ng lahat ng tao. Ngunit mayroon akong pag-asa na kung tayo'y mananalangin at tatawag sa pangalan ng Panginoon, pawawalang-sala ng Diyos ang Kanyang pangalan sa pamamagitan mismo ng mga taong lumapastangan sa Kanyang pangalan, sa pamamagitan natin, sa pamamagitan ng iglesia. Siya'y gagawa ng isang dakila at kamangha-manghang gawa.

Paano kaya ito gagawin ng Diyos? Paano kaya ihahayag ng Diyos ang Kanyang kabanalan sa gitna at sa pamamagitan ng mga mismong mga tao naging sanhi ng paglapastangan ng Kanyang pangalan, na gaya ng sabi ni Pablo sa Roma Kapitulo 2, sa gitna ng mga Hentil. Bueno, kung itutuloy natin ang pagbabasa sa Ezekiel, ang kasagutan ay naroroon. Hindi na natin kailangang lumayo pa sa pagbasa. Sa ating pagtuloy ng pababasa sa Ezekiel, makikita natin na sinasabi sa atin ni Ezekiel kung papaano ito gagawin. Sinasabi niya na ganito ang mangyayari: na Siya, ang Diyos, ay maglalagay ng isang bagong espiritu at ng isang bagong puso sa loob ng tao. Babaguhin Niya ang mga Israelita. Babaguhin [transform] Niya sila. Ganyan gagawa ang kapangyarihan ng Diyos. Papasa-gitna Siya ng mga Israelita at hahawakan Niya sila at babaguhin sila at gagawa Siya ng mga bagong tao mula sa kanila. At kaya, basahin pa natin ang ilan pang bersikulo sa Ezekiel Kapitulo 36, mula sa sumunod na bersikulo, b.24ss:

Sapagkat aking kukunin kayo sa mga bansa, at titipunin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain. Ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo; kayo'y magiging malinis sa lahat ninyong karumihan, at lilinisin ko kayo sa lahat ninyong mga diyus-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso, at lalagyan ko kayo ng bagong espiritu sa loob ninyo. Aking aalisin ang batong puso sa inyong laman (patay na puso), at aking bibigyan kayo ng pusong laman (isang buhay na puso).

Ilang beses sa simbahang ito na binigyang diin na natin ito: kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang tunay na Cristiano, at iyan ay, ibinukod tayo ng Diyos. Gaya ng sabi sa b.24, "Sapagkat aking kukunin kayo sa mga bansa". Titipunin Niya tayo sa Kanyang Sarili. Iyon ang unang hakbang: ihihiwalay Niya sila sa ibang mga bansa, kung saan sila nakahalo. Kaya ang unang hakbang ng pagpapabanal, ng pagiging banal, ay ang pagtawag sa atin ng Diyos na humiwalay, na maging kakaiba, na gaya ng siping ginamit mismo ni Pablo sa 2 Corinto Kapitulo 6, "Kaya nga lumabas kayo sa kanila, at humiwalay kayo...." [b.17] Kailangan nating lumabas, hindi pisikal na lumabas sa sanlibutan, kundi lumabas sa sanlibutan sa pamamaraan ng ating pag-aasal at pangangasiwa ng ating sarili. At sa sandaling tumugon tayo sa tawag ng Diyos, ano naman kaya ang gagawin ng Diyos? Lalagyan tayo ng Diyos ng isang bagong espiritu sa ating loob, isang bagong puso sa loob natin, at kung kaya, ginagawa Niya na tayo'y maging malinis, maging banal. Kaya nakikita na natin ngayon kung ano ang ginagawa ng Diyos. Nakikita natin na sasagutin ng Diyos ang panalanging ito sa pamamagitan ng pagbabago sa atin.

Kailangan Tayo'y Mabago Kung Pangalan Niya'y Magiging Banal sa Pamamagitan Natin
Ngunit ginagabayan nito tayo tungo sa isa pang napaka-importanteng punto tungkol sa panalangin. Isipin ito: na kung humihingi kayo at kung alam ninyo kung ano ang inyong hinihingi, nakikita ninyo ba kung ano ang ipinapanalangin ninyo? Kapag nananalangin tayong: "O Diyos, hayaang maluwalhati ang Iyong pangalan sa isang paraan na malalaman ng sanlibutan na Ikaw ay banal", ang sinasabi natin ay, "Hayaang maging banal ang Iyong pangalan sa amin at sa pamamagitan namin." Ang sinasabi natin ay, "Panginoon, baguhin Mo ako!" Hindi tayo magiging matapat sa ating hinihiling sa Diyos na luwalhatiin Niya ang Kanyang pangalan kung hindi natin hinahangad na, "Luwalhatiin Mo ang Iyong pangalan sa akin." Huwag na huwag na ipanalanging muli ang Panalangin ng Panginoon kung hindi ninyo hinahangad na babaguhin kayo ng Diyos at ihihiwalay kayo sa sanlibutan. At huwag uulitin ang Panalangin ng Panginoon. Ang panalanging iyon ay hindi para sa inyo.

Ang panalanging ito ay para lamang sa mga taong nakahandang sumunod kay Jesus sa lahat ng paraan. Para lamang ito sa mga taong nakahandang pasanin ang krus at sumunod kay Jesus, sa mga buung-buong nakatalaga kay Jesus, na nagsasabing, "Panginoon, hayaan Mong maluwalhati ang Iyong pangalan bilang banal sa buong sanlibutan sa pamamagitan ko." Iyon ang pangunahing prinsipyo ng panalangin. Na anuman ang ipanalangin ninyo, hindi man ninyo hangarin ito ng totohanan, o kung totohanan man, hihilingin pa rin ng Diyos sa inyo na gawin ninyo ang inyong tungkulin.

Halimbawa, mayroong mga kapatiran na nangangailangan ng pinansyal na tulong, ano ang gagawin ninyo? Sasabihin ninyo bang, "Panginoon, tustusan Mo ang kanilang pangangailangan." Mabuti! At ano ang inyong responsibilidad? "Wala! Humiling ako sa aking panalangin. Nanalangin na ako, kaya't iyan na ang katapusan ng aking tungkulin." Mali! Alin man sa: huwag ninyong ipanalangin ang panalanging iyon, o kung ipinapanalangin ninyo ang panalanging iyon, sasabihin ng Diyos na, "Okey, ngayo'y uumpisahan ninyo sa inyong sarili. Gumawa kayo ng isang bagay tungo rito." Kung hindi kayo naghahangad na gumawa ng isang bagay para rito, huwag kayong manalangin. Makikita ninyo na ang panalangin at ang buhay ay hindi mapaghihiwalay. Hindi ninyo mapaghihiwalay ang panalangin at ang buhay. Kung hindi ninyo hinahangad na gumawa ng isang bagay tungkol dito, huwag kayong manalangin para rito dahil sasabihin ng Diyos sa inyo na kayo ang unang gagawa ng isang bagay para rito. Kung mananalangin ako para sa isang kapatirang nangangailangan, at sinasabing, "Panginoon, tustusan Mo ang kanyang pangangailangan", at hindi naman ako naglabas ng pera upang ibigay sa kanila, hindi ba ako isang ipokrito? Ano'ng uri ng ipokrito kaya ako? Ano ang hangarin kong manalangin para sa taong iyon kung hindi naman ako magmamalasakit na gumawa ng anumang bagay bilang tungkulin ko?

Anong silbi ang sabihing, "Ipanalangin ang Tsina. Panginoon, ipagkaloob Mong makarating ang Ebanghelyo sa Tsina." Hinahangad ninyo ba ito? Ano ang inyong tungkulin? Anong silbi ang ipanalanging, "Panginoon, dalhin Mo ang Ebanghelyo sa Tsina", kung wala naman kayo ni katiting na intensyong gumawa ng anumang bagay bilang bahagi ninyo para rito? Sa lahat ng bagay, kung nananalangin tayo para sa iglesya, o nananalangin para sa isang taong nangangailangan, o nananalangin para sa pagpapa-abot ng Ebanghelyo sa Tsina, o nananalangin para sa anumang partikular na gawain, walang punto na manalangin para sa anumang bagay kung hindi ninyo hinahangad na gumawa ng anuman tungkol dito. Iyan ay, kung may magagawa nga kayong anuman dito. Siyempre, kung wala naman ako ni isang kusing, maipapanalangin ko pa rin ang isang taong nangangailangan, kahit na wala akong maibigay sa taong iyon. Ibang sitwasyon iyan. Ngunit kung may magagawa akong isang bagay, kinakailangan kong gawin iyon.

Kung gayon, mula sa lahat ng ito, nakikita natin na may importanteng prinsipyo ang lumalabas mula sa para bang isang napakasimpleng panalangin. Nagdudulot ito ng maraming mga mahahalagang katuruan sa Salita ng Diyos. Anu-anong mga katuruan? Nakikita natin na banal ang Diyos, lubos na kakaiba, na ang maging isang Cristiano ay nangangahulugang maging lubos na kakaiba rin, na kapag tiningnan kayo ng ibang tao, sasabihin nilang, "Wow, kakaiba siya." At hindi tayo takot na maging kakaiba. [Ilan sa] mga Cristiano ay takot na maging kakaiba. Hindi tayo takot na maging kakaiba, kung sa pagiging kakaiba, tayo ay tunay na banal. Ito ay hindi 'kakaiba' sa pamamagitan ng ating pagsuot ng wala-na-sa-usong damit, sa pagsuot ng lahat ng uri ng mga di-karaniwang [odd] kasuotan at sa pagkilos sa di-maipaliwanag [strange] na mga paraan. Hindi ko ibig sabihin na maging 'kakaiba' sa pamamagitan ng pagiging kakatuwa [queer], ngunit kakaiba sa pamamagitan ng pagiging banal, upang masasabi ng mga tao na, "Wow, narito ang isang tao na alam ninyong matuwid, na makatarungan, na mabait, na mapagmahal." Masasabi ninyo ang lahat ng mga bagay na ito ukol sa taong ito. Bukod-tangi siyang naiiba sa isang masa ng tao.

Kung napakinggan ninyo ang panalanging ito at kung ipinalangin ninyo ang panalanging ito, kung ganoon, nasa sa inyo ang tungkulin sa darating na mga linggo na dalhin palabas sa inyong tahanan, sa inyong kolehiyo, sa inyong opisina [ang mensahe], at doo'y hayaang sabihin ng mga tao na, "Wow, ang taong ito ay kakaiba. Mayroong kakaiba sa taong ito. Namumukod siya sa maraming tao." At hindi ko ibig sabihin na 'kakaiba' kayo dahil mas marami kayong sinasabi kaysa sa ibang tao - hindi iyan isang napakabuting bagay upang maging kakaiba - ngunit ang maging kakaiba dahil sa katangian ng inyong buhay, hindi dahil sa pagwawagayway ninyo sa pali-paligid ng isang malaking Biblia. Magagawa iyan ng lahat ng tao, ngunit ang katanungan ay kung namumukod-tangi ang inyong buhay bilang kakaiba.

Kaya, ating nakikita na narito ang isang lubhang mahalagang bagay. Ating nakikita na dinadala nito ang mga prinsipyo ng muling-kapanganakan [regeneration] at ang mga pangunahing prinsipyo ng panalangin: na hindi tayo makapapanalangin para sa anumang bagay at wala tayong karapatang manalangin nito, maliban na sa ating bahagi ay nakahanda tayong sabihin kung ano ang ating tungkulin sa paggawa nito na gusto ng Diyos na gawin natin.

Kung Hindi Tayo Mamumuhay nang Banal, Hindi Matutupad Ang Dakilang Pagtawag sa Atin
Ito'y gumagabay sa atin sa isang panghuli at lubhang importanteng punto, na ito: Ano naman kaya ang mangyayari kung hindi natin ipinamumuhay itong banal [holy], itong napabanal [sanctified] na buhay? Mahalaga ba kung tayo ay napabanal, kung tayo ay banal? Hayaang sabihin ko sa inyo na ang mga salita ng Biblia ay maliwanag [explicit] sa puntong ito: na kung walang kabanalan, walang sinumang makakikita sa Diyos. Hindi ito isang katanungan na: mabuti para sa isang Cristiano ang maging banal; kalugod-lugod na maging banal; kalugod-lugod na mabait at kakaiba siya sa ibang mga tao. Kailangang-kailangan ito para sa kanya dahil kung wala kayong kabanalan, hindi kayo Cristiano. Kung wala kayong kabanalan, hindi ninyo makikita ang Diyos. Sa bagay na ito, ang pagkakatawag [calling] sa atin, ang buong layunin natin, ang buong kahulugan ng buhay sa sanlibutang ito ay ang maging banal. Sa aklat ng Levitico, apat na beses sinabi ng Diyos sa mga tao ng Israel, "Kayo'y magpakabanal, sapagkat ako'y banal." Hindi lang iisa o dadalawang beses, kundi apat na beses! [Lev.11:44,45; 19:2; 20:7] Inutos Niyang magpakabanal ang mga tao ng Israel. Kailangan nating maging kakaiba kung tutuparin natin ang ating tungkulin, ang ating layunin sa sanlibutan bilang mga Cristiano. Kailangan nating tandaan ito: hindi tayo naging Cristiano para lamang iligtas ang ating mga sarili. Tayo'y iniligtas upang tuparin ang isang gawain at ang gawaing iyan ay ang ituro ang sanlibutan sa Diyos.

Isa sa dalawa ang katotohanan: isa kayong tunay na Cristiano at tinutupad ninyo ang tungkuling iyan, o hindi kayo isang Cristiano. Alin sa dalawa ang nangyayari: lagi ninyong itinuturo ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng uri ng buhay, o kaya'y hindi kayo isang Cristiano, na ibig sabihin ay hindi napapabanal ang Diyos sa inyong buhay. Huwag maging isang Cristiano dahil lamang sa gusto ninyong takbuhan ang impiyerno. Dahil kung iyan lamang ang dahilan na kayo'y isang Cristiano at nanatiling Cristiano ngayon, hindi malayo ang inyong mararating. Nang kayo'y naging isang Cristiano, binigyan kayo ng Diyos ng isang gawain at iyon ay upang gawing banal ang Kanyang pangalan sa sanlibutan. At nagmamakaawa ako sa inyo na malinaw ninyong tandaan ito.

Ngunit paano kung hindi ninyo matutupad ang responsibilidad na iyan? Hayaang sabihin ko sa inyo na may iba't ibang hakbang sa pagpapatupad ng responsibilidad na iyan. Ituturo ko sa inyo ang halimbawa ni Moises. Ang halimbawa ni Moises ay lubos na nakayayanig at nakasisindak sa akin at nakapagpapanatili sa aking maging lubhang mapagpakumbaba. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit sinabi ni Pablo, "...isagawa ninyo ang inyong sariling kaligtasan na may takot at panginginig". [Filipos 2:12] Walang lubhang mas nakapipinsalang bagay kaysa sa isang nasisiyahan-sa-sariling [complacent] Cristiano. Nagtaka na ba kayo kung bakit sinabi ni Pablo sa Filipos na, "...isagawa ninyo ang inyong sariling kaligtasan na may takot at panginginig"? Ito'y dahil ang Diyos ay isang banal na Diyos dito din: kung hindi ninyo sasambahin ang Kanyang pangalan bilang banal sa inyong buhay, itatakwil Niya kayo dahil hindi ninyo Siya kinakatawan [represent] nang tama.

Hindi Napabanal ni Moises ang Pangalan ng Diyos Kaya Hindi Siya Nakapasok sa Lupang Pangako
Hayaang ibigay ko sa inyo ang halimbawa ni Moises. Sa Mga Bilang 20:12, sasabihin ko sa inyo ang pangyayari na lubos nang kilalang-kilala. Si Moises ay isang makapangyarihang tao-ng-Diyos, na ang nasabi tungkol sa kanya ay nakipag-usap ang Diyos kay Moises ng mukha sa mukha, na hindi pa nangyari sa sinumang tao. Si Moises ay ang hinirang ng Diyos at ang banal Niyang instrumento, buung-buong ihiniwalay para sa Diyos. Ginabayan niya ang mga tao palabas sa Ehipto. Ginabayan niya ang mga Israelita sa ilang patungo sa Lupang Pangako. Ngunit si Moises mismo ay hindi kailanman nakapasok sa Lupang Pangako. Alam ba ninyo kung bakit? Kahit na siya ay isang tao-ng-Diyos na may isang posisyon na walang sinuman, na walang propeta ang maihahambing sa kanya - gaya ng sinabi ng Diyos, "Hindi Ako kailanman nakipag-usap sa sinumang propeta na gaya ng pakikipag-usap ko kay Moises. Nakipag-usap Ako sa kanya ng mukha sa mukha, gaya ng kaibigan sa kaibigan" [Exodo 33:11 & Bilang 12:8] - gayunman si Moises ay hindi pinayagang makapasok sa Lupang Pangako. Alam ninyo ba kung bakit? Ito'y dahil sa isang pagkakataon, sa isang pangyayari, hindi niya ginawang banal ang pangalan ng Diyos. Ngayon, ang sakdal laban kay Moises ay mismong ang nasa Panalanging Itinuro ng Panginoon, maliban sa ito'y nasa kabaligtaran [reverse]. Hindi niya ginawang banal ang pangalan ng Diyos sa kanyang buhay sa isang pangyayari. At dahil sa nag-iisang pangyayaring iyon, sinabi ng Diyos na, "Hindi ka makapapasok sa Lupang Pangako."

Tingnan natin ang mga salitang ito sa Mga Bilang 20:12: "Sinabi ng PANGINOON kina Moises at kay Aaron, 'Sapagkat hindi kayo sumampalataya sa akin' - bigyang pansin ang mga salitang ito - 'upang ipakita ang aking kabanalan' - upang ipakita ang kabanalan ng Aking pangalan; iyan mismo ang kaparehong salita sa orihinal na Kasulatan - 'sa paningin ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapulungang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila.' " "Hindi ninyo ginalang ang Aking pangalan bilang banal sa paningin ng mga tao ng Israel, kaya't hindi kayo makapapasok sa Lupang Pangako." Naulit ito ng isa pang beses sa Deuteronomio na may katulad na salita na tumutukoy sa "ginagawang banal ang pangalan ng Diyos" sa Deuteronomio 32:51: "Sapagkat kayo'y sumuway sa akin" - kinakausap ng Diyos si Moises - "sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba ng Kadesh, sa ilang ng Zin; sapagkat hindi ninyo ako itinuring na banal sa gitna ng mga tao ni Israel." "Hindi ninyo Ako iginalang bilang banal. Hindi ninyo itinuring na banal ang Aking pangalan. Hindi ninyo ginawang banal ang Aking pangalan sa gitna ng tao ng Israel. Kaya't, hindi kayo makapapasok sa Lupang Pangako."

Alam ninyo, ang kasiyahan-sa-sarili [complacency] na mayroon sa mga taong nananatiling nakaupo at nagsasabi o nangungusap tungkol sa kanilang pagkaligtas at pagiging ligtas magpakailanman ay tunay na sumisindak sa akin. Kapag aking isinasaalang-alang na muli ang kasaysayan ni Moises, tunay na pinagpapawisan ako hanggang noo. Narito ang isang taong walang-kamali-mali [flawless] sa buong buhay niya, isang taong lubos at ganap na nakatalaga sa pagpapakabanal [consecration] at paghahandog [dedication] sa Diyos, isang tao na masasabing walang-katulad ang kababaang-loob, ibig sabihin, walang sinuman sa lahat ng Israel ang maihahambing sa kanyang kabanalan at kababaang-loob. Ngunit sa isang pangyayari, hindi niya napabanal ang pangalan ng Diyos sa Kanyang buhay, at sinabi ng Diyos na, "Hindi mo dadalhin ang mga tao sa Lupang Pangako." Ang pinakalayunin ng pagpapalaki at pagpapalabas kay Moises sa Ehipto, ang pinakalayunin kung bakit ginabayan ni Moises ang mga taong palabas sa Ehipto, ay upang dalhin sila sa Lupang Pangako, ngunit hindi niya matutupad ang pangakong iyon dahil hindi niya napabanal ang pangalan ng Diyos.

Samakatuwid, gusto kong makita ninyo ang kahalagahan ng mga salitang ito: "Gawing banal nawa ang Iyong pangalan sa amin." "Hallowed be thy name." Sapagkat sinasabi ko sa inyo, gaano man kabanal ang inyong buhay, gaano man maaaring kabanal ang aking buhay, kung mabibigo tayo, maaari rin tayong mabigo sa mga pangako ng Diyos. Tandaan na ang Diyos ay banal. Tayo'y nakikitungo sa isang banal na Diyos. Hindi ito nangangahulugang napahamak na si Moises. Hindi ito nangangahulugan na espirituwal nang namatay si Moises. Hinding hindi! Magpasalamat tayo sa Diyos na siya'y hindi namatay. Alam natin na sa Pagbabagong-anyo [Transfiguration], nagpakita siyang kasama ni Elias [Mateo 17:2-3]. Nagpakita sina Moises at Elias sa Pagbabagong-anyo [Transfiguration]. Kasama pa rin si Moises ni Cristo. Hindi nangangahulugang napahamak na siya, ngunit nawalan siya ng pagpapala. Nawalan siya ng pagpapala at ng pribilehiyong magabayan ang kanyang mga tao tungo sa Lupang Pangako.

Sa gayon, hayaan ninyong bigyan ko kayo ng babala, at tanggapin nawa natin ang babalang ito: na kung tayo'y pabaya sa hindi pagpapabanal sa pangalan ng Diyos sa ating mga buhay, at sa pagtutupad ng pananagutan ng dakilang pagtawag [high calling] sa atin, mananagot tayo sa Panginoon. Ano ang dakilang pagtawag sa atin? Ang dakilang pagtawag sa atin ay ang pakabanalin ang pangalan Niya sa sanlibutang ito, upang ang buong sanlibutan nawa ay makapagsabing, "Wow, ganoon pala ang Diyos, dahil tingnan mo siya, iyan ay isang Cristiano. At kapag tinitingnan ko siya, nakikita ko kung ano ang anyo ng Diyos." Iyan ang ating pananagutan. Huwag urungan ang inyong responsibilidad! Hindi kayo hahayaan ng Diyos na takasan ito sa pagsasabing, "Alam ninyo, lahat tayo'y puno ng kamalian," at gumawa ng ilan pang kadahilanan para sa inyong sarili. Alam ng Diyos na puno tayo ng mga kamalian; iyon ang dahilan kung bakit ibinigay Niya sa atin ang Banal na Espiritu upang makatulong sa atin na maipamuhay [ang buhay na ibinigay Niya].

Bigyang pansin ang salitang 'Banal' na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ang makapagpapabanal sa atin; kung wala Siya, hindi natin ito magagawa. Hindi natin maipapamuhay ito. Walang sinuman ang nakapagmungkahi na maipapamuhay natin ang buhay-Cristiano sa ating sariling kalakasan. Magagawa lamang ito sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan. At kaya, dahil ang Kanyang kapangyarihan ang makapagpapatupad nito sa atin, dahil tulad ng sinasabi ni Pablo, "Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan niyang nagpapalakas sa akin" [Filipos 4:13], wala tayong maidadahilan pa. Walang silbi ang pagsasabi sa Araw ng Paghuhukom na, "Eh, kasi, Panginoon, kaming lahat ay tao lamang. Kami'y tao lamang", na para bang iyon ay isang kaalaman na hindi pa natuklasan ng Diyos.

Pag-aralang muli kung gayon ang halimbawa ni Moises: inalisan ng pagpapala ang makapangyarihang tao-ng-Diyos na ito - pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa mga Israelita at ng pagtitiis niya mula sa kanila sa napakaraming taon - na makapasok sa Lupang Pangako. Ano ang kanyang krimen? Ano ang kanyang kasalanan? Tanging ito lamang: walang tubig ng panahong iyon at inutusan si Moises na magdala ng tubig sa mga umuungol at nagrereklamong mga tao ng Israel. Inutusan siyang gumawa ng dalawang bagay: una, magsalita sa bato at iutos sa bato na maglabas ng tubig; at ang pangalawa, pagkatapos utusan ito, hampasin ang bato sa pamamagitan ng tungkod, ang kaparehong tungkod na pinanghampas niya sa tubig ng Dagat na Mapula [Red Sea]. Ginawa lamang ni Moises ang isa rito. Ginawa niya ang pangalawa ngunit hindi ang una. Hindi siya nagsalita sa bato; hinampas lamang niya ito sa kanyang galit. At sinabi niya ang maling bagay. Ang sinabi niya, "Ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito, mga mapaghimagsik at matitigas-na-ulong tao? "Namin?" Sinu-sino ang 'namin'? Ang makapagbibigay lamang ng tubig ay ang Diyos, hindi si Moises, hindi ang kahit sinupaman. Sinu-sino ang 'namin'? At bakit hindi tinupad [ni Moises] ang buong kautusan?

Tingnan ninyo, gagawa sana ang Diyos ng isang dakila't kamangha-manghang gawain sa harapan ng lahat, na mapababanal ang Kanyang pangalan sa mga mata ng mga tao. Anong gawain? Nauuhaw ang mga tao; sila'y tuyung-tuyo na. Uhaw na uhaw na sila. Gagawa sana ang Diyos ng isang makapangyarihang gawain na makapagpapabanal sa Kanyang pangalan sa mga mata ng mga tao. Anong gawain? Tatayo sana si Moises sa ibabaw ng bato sa harapan ng napakaraming mga taong ito at magsasalita siya sa batong ito sa pangalan ng Diyos at sasabihing, "Maglabas ng tubig mula sa batong ito." Alam ng lahat ng tao na walang tubig na lumalabas sa isang bato. Ngunit kakausapin niya ang batong ito sa pangalan ng Diyos.

Pagkatapos na magsalita, sa pamamagitan ng tungkod na nagpahiwalay ng tubig sa Dagat na Mapula - ang tungkod ng awtoridad, ng awtoridad ng Diyos - hahampasin lamang niya ang bato at bubulwak na ang tubig. Hindi niya ginawa iyon! Hindi niya kinausap ang bato. Sa kanyang galit at pagkayamot sa mga tao, nakalimutan niya ang lahat ng bagay tungkol sa salita na magpapabanal sa pangalan ng Diyos. Basta na lamang niyang kinuha ang tungkod at inihampas ang tungkod sa bato. Lumabas nga ang tubig, ngunit hindi niya natupad ang layuning luwalhatiin ang Diyos sa mga mata ng mga tao. Nagpatirapa sana ang mga tao sa harapan ng Diyos kung kinausap lamang sana niya ang batong iyon. Hipuin lamang ang batong iyon, lalabas na ang tubig, at wow, gagawing banal na sana ng mga tao ang pangalan ng Diyos. Ngunit hindi! Sa kanyang galit, ang lahat ng nakita ng mga tao ay ang kanyang galit, at ang lahat ng iba pang bagay - ang buong mensahe - ay nawala. Nawala ang lahat ng ito dahil sa kanyang galit.

Ngayon, maaaring sabihin ninyo na iyon ay isang napakaliit na kasalanan lamang, tunay na napakaliit, at tsaka, maaaring hindi ito nakatisod o nakagulo-sa-isipan ng mga tao. Ang ibig kong sabihin, sa isang banda'y makatuwiran naman siyang magalit. Tunay na lubos siyang napagalit. Sa mga mata ng mga tao, hindi nakagawa si Moises ng anumang uri ng isang seryosong krimen. Ngunit sa mga mata ng Diyos, nabigo siya na [gawing banal ang pangalan ng Diyos]. Hindi ito sa kung ano ang ginawa niya, kundi sa kung ano ang hindi niya ginawa. Iyan ang naisakdal laban sa kanya. Ang hindi niya ginawa ay ang hindi niya napabanal ang pangalan ng Diyos sa mga mata ng mga tao.

Aral mula kay Moises: Hindi Kung Ano ang Ginawa Niya, Kundi ang Hindi Niya Ginawa
Narito ang aral para sa atin, mga kapatid. Ang katanungan ay hindi kung nakagawa kayo ng anumang matinding kasalanan o hindi. Hindi nakagawa ng anumang bagay si Moises. Hindi ko iisipin na nagtaas ng mga kilay ang mga tao sa Israel tungkol sa puntong bahagya siyang nagalit. Hindi sinabi ng Biblia na namula ang kanyang mukha na gaya ni Guan Gong² o anupamang gaya nito. Sadya lamang na talagang galit siya at hinampas niya ang bato. Iyon lamang. Hinampas niya ito ng dalawang beses. Hindi sinabi sa Kasulatan na hindi siya pinahintulutang hampasin ito ng dalawang beses. Hindi ito masyadong mahalaga. Hindi iyon ang punto. Ang punto ay nagsalita na lamang sana siya bilang kumakatawang sugo [representative] ng Diyos. Namatay na lamang sana siya sa kanyang sarili at naging isang bagong tao na. Ngunit ang punto ay hindi sa kung ano ang ginawa niya; kundi sa kung ano ang hindi niya ginawa. Ito ang puntong kailangan ninyong maunawaang mabuti. Hindi niya ginawang banal ang pangalan ng Diyos.

Kaya ito ang puntong dapat nating tandaan: hindi ito sa hindi ninyo paggawa ng anumang bagay na masama, sa hindi ninyo pamumuhay ng isang buhay na sukdulang kakaiba sa hindi-Cristiano. Ang punto ay ito: na hindi ninyo ginawang banal ang Kanyang pangalan sa mga mata ng mga tao, na nang nakita kayo ng mga tao, hindi nila nasabing, "Wow, iyan ay isang Cristiano!" Hindi nila nasabing, "Wow, kamangha-mangha ang Diyos. Kung ganyan ang Cristiano, ibig ko ring maging isang Cristiano." Iyan ang ating tungkulin sa sanlibutan.

Naging Cristiano ako nang nakita ko ang mga Cristiano sa Tsina. Tiningnan ko sila, at sinabi kong, "Kung ganyan ang Cristiano, kung ganoon ay ibig kong maging isang Cristiano." Ngunit ang mga Cristiano roon sa mga eskwelahan ng mga misyonaryo, sa kanila'y nasabi ko, "Kung ganyan ang Cristiano, ayaw kong maging isang Cristiano." Hindi nila ginagawang banal ang pangalan ng Diyos sa aking mga mata. Ngunit sa pamamagitan ng mga Intsik na Cristiano, napabanal ang pangalan ng Diyos sa aking puso. Aking nasabi, "Iyan ang isang tunay na Cristiano." Iyon ang mga Cristiano! Naitaas ang pangalan ng Diyos. Iyan ngayon ang inyong responsibilidad. Huwag kayong lalabas mula rito, at magsasabing, "Hindi ako nakagawa ng anumang kasalanan." Hindi iyon ang punto. O kaya'y sasabihin ninyong, "Marahil nakagawa ako ng ilang mga maliliit na kasalanan"; hindi rin iyan ang punto. Hindi ito tungkol sa paggawa ni Moises ng anumang malalaki o maliliit na mga kasalanan; hindi iyon ang punto. Ang punto ay nabigo siyang gumawa ng isang bagay. Nabigo siyang gawing banal ang pangalan ng Diyos sa mga mata ng mga tao.

Pananagutan Natin ang Gawing Banal ang Pangalan ng Diyos sa Ating Buhay
Kaya nga, mga kapatid, iyan ay ating pananagutan. Sa Araw na iyon, sa sandaling tatayo tayo - ikaw at ako - sa harapan ng Diyos, tatanungin Niya tayo [isa-isa] ng katanungan, "Ginawang banal mo ba ang Aking pangalan sa mga mata ng mga tao? Sa iyong opisina, sa iyong kolehiyo; sa iyong pamilya, ang pangalan Ko ba'y napabanal mo sa iyong buhay? Nasabi ba ng mga tao na, "Wow! Ang mga Cristianong ito, kakaiba sila. Tunay siyang kakaiba. Tingnan iyan! Namumukod-tangi siya sa maraming tao. Lubos siyang kakaiba." Ang problema sa atin ay iyong hindi tayo banal dahil lubos tayong katulad ng sanlibutan. Nag-aasal tayo ng gaya ng mga di-Cristiano. Nag-iisip tayo ng gaya ng mga di-Cristiano.

Balik-isipin kahit ang di-pa-katagalang kasaysayan. Anong uri ng pangalan ang namumukod para sa inyo? Lagi na lang pare-pareho ang mga pangalan: ang mga taong ginawang banal ang pangalan ng Diyos sa kani-kanilang mga buhay. Lagi silang namumukod-tangi sa inyong alaala, 'di ba? Para sa akin, ang mga taong katulad ni Yang Tze Jie, gaya ni Henry Choy, ni John Sung - namumukod ang mga taong ito sa gitna ng maraming tao. Kakaiba sila sa maraming tao dahil napabanal nila ang pangalan ng Diyos sa kani-kanilang mga buhay. Iyan ang dakilang pagtawag sa atin. Mangusap nawa ang Diyos sa bawat isa sa atin na tunay nawa nating maunawaan ang mga salitang ito kapag tayo'y nananalangin ng, "Gawing banal nawa ang Iyong pangalan!" Kapag ipinapanalangin ninyo iyon, alalahanin ninyo ang inyong pananagutan, o kaya'y huwag na lamang mangahas na ipanalangin ito. Ngunit kahit na hindi ninyo ipanalangin ito, magpapatunay lamang ito na hindi kayo Cristiano dahil ang bawat tunay na Cristiano ay nananalangin ng panalanging ito. Kaya, mangusap nawa ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang buhay na Salita at ipakita sa atin ang mga bagay-bagay na napakahalaga upang ating makita kung anong uri ng mabigat na pananagutan ang ibinigay sa atin.

Kaya sa pagwawakas, hayaang tingnan natin kung ano ang ibig sabihin kung gayon ng panalanging ito: "Ama namin na nasa langit Ka, luwalhatiin nawa ang Iyong pangalan bilang banal sa aking buhay" - iyan ang panalangin - "upang makalapit nawa ang napakaraming mga tao sa Iyo." Ano ang aking motibo sa pagluluwalhati sa Diyos? Ito'y dahil sa iniibig Niya ako nang lubos. Ano ang aking motibo sa pagluluwalhati sa Diyos? Ito ay dahil hindi makikilala ng mga tao sa sanlibutan ang Diyos maliban sa pamamagitan ko. Hindi pa ba sapat ang mga motibong ito? Paano kaya makikilala ng mga tao sa labas ang Diyos kung hindi nila Siya makikilala sa pamamagitan ko? Paano nila makikilala ang Diyos kung hindi nila makikilala ang Diyos sa pamamagitan ninyo? Mahuhulog na lang ba ang Biblia sa kanilang mga kandungan mula sa himpapawid? Paano nila maririnig ang mensahe tungkol sa buhay-na-walang-hanggan kung hindi sa pamamagitan ninyo?

Ngunit tandaan ito: na ang mensahe ay pinakamahusay na maipahahayag sa pamamagitan ng buhay na ipinamumuhay ninyo kaysa sa pamamagitan ng napakarami ninyong mga salita. Lubos tayong mas magaling sa pananalita kaysa sa paggawa. Kaya, sumandal sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Huwag susubukan kailanman na ipamuhay ang buhay ng Diyos sa pamamagitan ng sarili ninyong kalakasan. Hinding-hindi ninyo kailanman maisasakatuparan ito.

Ngunit kung sasabihin ninyong, "Panginoon, ito ang aking panalangin." At alalahanin ninyong isa itong panalangin sa Diyos na gagawin Niya ito sa akin; kung gayon ay tunay na hangarin ito at gagawin Niya ito. Hayaang pumasa-inyong-buhay ang Diyos sa kapuspusan ng Kanyang kapangyarihan at gagawin Niya ito. Babaguhin Niya kayo at gagawin kayong lubos na kakaiba, na saan man kayo pumunta, sasabihin ng mga tao na, "Wow, kakaiba ang taong ito." At tatanungin nila kayo, "Bakit ka naging isang Cristiano?" Sa gayon ay maaari ninyong sabihin sa kanila, at marami ang mapapalapit sa Diyos dahil ginawa ninyong banal ang Kanyang pangalan. Napabanal ninyo ang Kanyang pangalan sa inyong buhay.

Tapos ng mensahe.

¹ Ang frequency ay isang salitang panukat sa Physics.

²Si Guan Gong, ang nabanggit nang diyus-doyosan ng digmaan, ay isinilalarawang pulang-pula sa mukha sa galit sa nobelang The Three Kingdoms at sa mga piguring Intsik.

Ginamit ang:

Ang Bagong Ang Biblia, Philippine Bible Society, Manila, 2001.

Isinalin sa Tagalog ng Gospel Disciples Church, Inc., Philippines, 2005.

[Get it!]


Difficult in reading?
Change the font size here:

Standard
Large
Largest

Tagalog Series:

- Ang Tatlong Espirituwal na Prinsipyo ng Kapayapaan

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 1 - "Ama Namin"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 2 - "Langit"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 3 - "Sambahin Nawa ang Pangalan Mo"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 4 - "Dumating Nawa ang Kaharian Mo"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 5 - "Bigyan Mo Kami Ngayon ng Aming Pagkain sa Araw-araw"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 6 - "Patawarin Mo Kami sa Aming mga Utang"

- Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon 7 - "At Huwag Mo Kaming Dalhin sa Tukso, Kundi Iligtas Mo Kami sa Masama"

- Ilaw ng Sanlibutan 1

- Ilaw ng Sanlibutan 2

- Minsa'y Ako'y Ligaw, Ngayo'y Natagpuan Na - Anong Grasya!

- Ang Pagsunod sa Kordero ng Diyos

- Ang Kahalagahan ng Pagdurusa - Masasayang Kasaysayan Mula sa Libis ng Lilim ng Kamatayan

- Mapapalad ang mga Dukha

- Mapapalad ang mga Nahahapis

- Mapapalad ang mga Mapagpakumbaba

- Mapapalad ang mga Nagugutom at Nauuhaw sa Katuwiran

- Mapapalad ang mga Mahabagin

- Mapapalad ang mga May Malinis na Puso

- Mapapalad ang mga Mapagpayapa

- Mapapalad ang mga Inuusig Dahil sa Katuwiran


 

 Copyright 1998-2007. All Materials in this site are copyrighted unless otherwise stated. Best viewed with IE6.0 and 1024 by 768 resolution.